Sabado, Marso 10, 2018


Jiemerry Domingo



Output no. 2 (Lakbay Sanaysay)

Sa loob ng kulang- kulang tatlong oras sakay ng isang van ay binaybay namin ang daan papuntang Bulacan upang marating ang pinaka sikat na atraksiyon at resort doon; ang Amana Waterpark. Sa labas ay iisipin mong isa lang itong tipikal na resort na kagaya ng karamihan, ngunit pagkapasok mo ay tiyak na mamamangha ka sa taglay nitong laki at kagandahan.

Hindi lang pinapaligiran ng mga swimming pools ang resort sapagkat pinaliligiran din ito ng malalaking estatwa ng iba’t ibang karakter kagaya ng Avengers at transformers. Samantala, ang pangunahing bida naman nila rito ay ang Jurassic Water World kung saan makikita moa ng naglalakihang mga uri ng dinosaurs.

Sa pangkalahatan masasabi ko na talaga namang sulit ang biyahe dahil hindi ka lamang masisiyahan sa iyong mga makikita kundi magkakaroon din kayo ng bonding ng inyong pamilya o mga kaibigan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...