Lunes, Enero 22, 2018

OP#6 (Tama na o itutuloy pa?)

Gumugulong tanong sa isipan
Nakakabagabag na katahimikan
Halo halong emosyon Ang nararamdaman
Ngingiti, malulungkot, matatawa ba o iiyak na lang?

Magulong kwarto, kumot na kusot - kusot
Madilim na paligid, lugar na puno ng kalungkutan, Kalituhan at pagod.
Yung mukha mong Tila Hindi maipinta
Yung pakiramdam na lagi Kang mag isa

Bakit parang Pati panahon Hindi makaunawa?
Gusto mo ng isuko Ang lahat lahat upang Ang problema ay tuluyan ng mawala.

Sinasakal ng sariling mundo
Sinasakal ng mga katotohanan at Kalituhan Ang utak mo.

Matuto lang bumangon at magbago lumaban, magpakatibay at ituloy Ang pangarap mo
Dahil sarili mo Ang kalaban mo
Gawin mong positibo ang pananaliksik mo Upang sarili mo at minamahal mo Ang maging sandigan mo

Baguhin mo Ang negatibong utak.
Huwag tanungin Ang sarili ng
"Tama na o itutuloy pa?"
Dahil ISA l

Sulatin Blg. 5

Simula mo na
1. Magbibigay ng maayos na eksplenasyon at maglalahad ng nalalaman.

2.Sabihin ng maayos at kalma dapat Ang sarili.

3. Ipaglaban Ang nalalaman at pagtibayin ito.

Sulatin Blg. 4

Suriin mo na
1. Ang posisyong papel ay naglalahad ng impormasyon ng isyu. Naglalahad ito ng posibleng dahilan kung bakit magkaroon ng mga posibleng ebidensya.

2. Upang mailahad lahat ng posibleng dahilan at ebidensya. Magkaroon ng matibay na ebidensya sa bawat isyu at mapalawak Ang kahulugan o eksplenasyon.

3. Paksa, argumentative, at thesis Ang mahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel. Mahalaga ang mga ito upang matukoy kung ano Ang Paksa Ang kahalagahan at dahilan ng isyu sa pagsulat ng posisyong papel.

4.Nabibigyan ng pansariling opinion o kahulugan Ang isyu ng isang posisyong papel. Nagkakaroon ng isang maayos o organisado at malikhain na pagsulat. Nagkakaroon ng paglilinang Ang nilalaman ng binasang posisyong papel. Nagkakaroon ng matibay na batayang pananaliksik.

5. Mahalagang isaalang - alangan Ang mga mambabasa, upang magkaroon ng malawak na pag-unawa at magkaroon ng maayos na pagiintindi.

Sulatin Blg. 2

Pangalan: Joanna Claire C. Aguilar
Kapanganakan: May 15, 2000
Edad: 17 years old
Kasarian: Babae
Magulang:
    Ina: Emilie C. Aguilar
  Ama: Arnold J. Aguilar
Tirahan: Brgy. Bucal Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan: Grade 12 ABM 1, Saint Augustine School Senior High
Mga Asignaturang Kinawiwilihan: Contemporary Arts, English
Mga Nagtatanong Kasanayan: Tumutugtog ng Gitara
Pinapangarap na propesiyon: Maging isang Certified Public Accountant (CPA).

OP#7 Editoryal

Ang mahalagang isyu na binibigyang-diin dito ay Ang pagbubukas ng mga bangko at lahat ng kanilang Sangay kahit saan kasama na rito Ang pagiging bukas din ng mga electronic banking Gaya ng ATM. May mga Sangay ng bangko Ang Hindi nagbukas dahil apektado Ang mga ito ng mga isinasarang kalsada ng pamahalaan para sa seguridad ng lahat ng dadalo sa ASEAN. Dahil sa Desisyon ng Ilang bangko.

OP#7 Editoryal

Ang mahalagang isyu na binibigyang-diin dito ay Ang pagbubukas ng mga bangko at lahat ng kanilang Sangay kahit saan kasama na rito Ang pagiging bukas din ng mga electronic banking Gaya ng ATM. May mga Sangay ng bangko Ang Hindi nagbukas dahil apektado Ang mga ito ng mga isinasarang kalsada ng pamahalaan para sa seguridad ng lahat ng dadalo sa ASEAN. Dahil sa Desisyon ng Ilang bangko.

OP#5 Bionote

Joanna Claire C. Aguilar
      Ipinanganak Siya noong Mayo 15, 2000 at 17 na taong gulang. Siya ay anak ni Emilie C. Aguilar at Arnold J. Aguilar. Siya ay nakatira sa Brgy. Bucal, Tanza, Cavite. Siya ay Nag-aaral sa Saint Augustine School Senior High at Kasalukuyang nasa ABM strand at aktibong makikikain sa mga aktibidad ng Paaralan. History, Math at English Ang kanyang mga kinahihiligang asignatura. Kinahihiligan Niyang Gawain ay gumuhit at tumugtog ng Gitara.
     Kasalukuyan niyang tinatanggap ang lebel papunta sa kaniyang pinapasama na propesiyon na CPA o Certified Public Accountant.

OP#4 Kasaysayan ng Paaralang San Agustin


     Ang paaralan ng San Agustin ay ipinangalan sa patron ng ng bayan ng Tanza, Cavite na si San Agustin o mas kilala sa tawag na "Tata Usteng".
     Ang paaralan ng San Agustin ay na diskubre ni Monsignor Fransisco V. Domingo na isang Pari. Itinayo Ang paaralan noong pebrero 14, 1969. Ang paaralan ng San Agustin upang magbigay ng magandang kalidad sa pag-aaral at pagiging makadiyos na sistema.
    Pormal itong nagbukas noong Hunyo 1969. Nag Alok ng pagtuturo Simula sa kinder hanggang Baitang isa. Ang sistema ng edukasyon ng San Agustin ay sumasailalim sa pamamahayag ng De La Salle. Nagsimula lamang ito sa bilang ng 48 na estudyante at 1 Guro. Nagtayo ng Gusali ng mataas na paaralan noong 1971 at natapos noong 1972 at sinundan ng basketball court.
     Ang unang naging Punong Guro  ng Paaralan ng San Agustin ay si Sr. Angeles Gabutina na naglingkod ng dalawang buwan at sinundan pa ng mga bagong Punong Guro. Ang pinakabagong Punong Guro ay si Ms. Mercedita Pacumio.
     Ang kasalukuyang Logo ng Paaralan ng San Agustin ay ginawa at dinisenyo ni Morgin Molina na dating estudyante ni Mr. Justo R. Cabuhat noong 1988.

OP#3 iWitness: Teacher Annie ( kronolohikal )

     Edukasyon ang makapagtatawid sa kahirapan at  susi para sa magandang kinabukasan. Karamihan ng mga estudyante ay ninanais na makapagtapos at makatanggap ng diploma sa pag-aaral, ngunit maraming kabataan ang di kayang makatapos dahil sa kakulangang pangpinansiyal. May mga tao paring gustong tumulong SA mga kapus palad, ngunit ang karamihan ay tila mas inaasam ang magandang buhay o magtrabaho ng walang pagsasakripisyo. Si Teacher Annie na mas piniling magturo sa malayong lugar at sa mga batang kapus palad.
     Itinampok ang istorya ni Teacher Annie sa iWitness. Si Teacher Annie na mas pinilit ipagpatuloy ang pagtuturo sa Sitio, Labo na kung saan ang lugar na ito ay malayo sa kabihasnan at kahirapan puntahan. Labing anim na ilog ang kailangang tawirin, lubak lubak na Daan at mga burial na madadaanan bago pa nakarating sa Sitio, Labo. May mangialan - ngilan din silang estudyanteng nakasabay sa ilog na papunta rin sa eskwelahan.
     Nang makarating na sila sa eskwelahan ng sitio, labo o Ang Labo Elementary School ay agad na sumalubong Ang mga batang may inosenteng ngiti sa kaninang mga labi na nakapawi ng pagod ni Teacher Annie. Inamin ni Teacher Annie na noong una ay nakaramdam Siya ng pandidiri sa mga mangyan niyang estudyante at pag - aalangan sa pagtuturo niya rito dahil sa layo ng bayan ngunit ito raw ay kusa niyang tinatanggap sila ng buong puso. Dito Niya nakita Ang tunay na pagbibigayan ng isat' isa sa Kabila ng kakulangan sa pagkain.
     Si Teacher Annie at si Teacher Cristel Lamang Ang Guro sa Labo Elementary School hati sila sa pagtuturo . Si Teacher Annie na nagtuturo ng kinder hanggang baitang tatlo at si Teacher Cristel na nagtuturo ng baitang apat hanggang baitang anim. Sila na rin Ang nagluluto ng makakain kasama si Dina Ang dalawampung taong gulang na estudyante ni teacher Annie sa kinder. Si Dina ay tatlong araw Lamang pumapasok sa isang linggo dahil Siya ay nagtratrabaho sa sagingan upang makabili ng pang araw-araw na makakain at pangbili ng gamot ng kanyang ina na may sakit na pulmonya. Binibigay din Niya ng kanyang mga Guro ng bigas, sardines, at gamot kapalit ng kanyang pagtulong sa kanila sa pagluluto o Pag aayos sa paaralan. Hanggang ₱144.00 Ang nakukuha Niya sa araw-araw na yon sa pagbantaan ng saving at dalawang gamot na antibiotic Lamang Ang kanyang nabili.
     Ilan Lamang si Dina sa mga tinutulungan nila Teacher Annie at Teacher Cristel na nakatira sa Sitio Labo at pwede na Silang makapagturo sa kapatagan ngunit mas pinili nilang magturo at tumulong sa Labo Elementary School  sa Kabila ng layo at hirap ng paglalakbay makarating sa Sitio labo. Sa kadahilanang gusto nilang tumulong ng kiss sa gusto nilang maging inspirasyon sila ng mga batang gustong makapagtapos ng pag-aaral.

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...