JC

Sulatin Bilang 1


Pamagat ng paksa: "Internship: Kuwentong Loob ng Taga labas"
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng arte at Literatura, Diliman, lungsod Quezon
Mahalagang Impormasyon ng Pag-aaral: Ayon sa abstrak ns aking nabasa hindi etikal na ginagawa ng kanyang mga kapwa doktor sa mhs pasyente at maging sa mismong mga kasamahan nila sa prosesyon.
Kahalagahan nga Pag-aaral: ilapit sa karaniwang tao ang doktor at ipakita ang pagkatao nito na nakadarama pa rin ng lungkot, takot, kaapihan. Ito ay pagsubok sa pagbibigay-pugay rin sa mga doktor na naniniwala pa rin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin higit sa lahat sa pamamagitan ng panitikan.
1.Tungkol saan ang mga abstrak na binasa? 
-Ang halimbasa ng abstrak na nasa libro ay tungkol sa hindi etikal na gawain ng mga kapwa doktor sa isang ospitak dito sa Pilipinas at ang isang halimbawa naman na nasa pisara ay tungkol sa karanasan ng isang batang ina.
2. Bukod sa nalalaman, ano pa ang kanilang pagkakaiba? 
-yung unang abstrak ay tungkol sa panitikan ng medisina at ang sumunod naman ay tungkol sa batang ina.
3. Alin sa nga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan? Ipaliwanag
- Para sa akin mas higit kong naunawaan ay ang abstrak tungkol sa etikal ng mga doctor dahil ito  ay detalyado at madaling maunawaan kung tungkol saan ang pag-aaral.

OP no. 1

Ang pagsulat ay umiinog aa mga paksa, tema, o mha tanong na bibigyang kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interest, at pananaw

Ang pagsulat ay maituturing na mahalaga dahil dito mo malalaman kung ano ang gustong iparating ng manunulat. Ang pagsulat ay ginagawa upang ang mambabasa ay magkaroon ng dagdag kaalaman sa paksang ginawa ng manunulat.

Sa pagsulat natututo tayo na mag-isip ng mga ideya. Isang magandang halimbawa ay ang pag gawa ng pananaliksik. Meron itong isang paksa na tatalakayin at mga tanong na dapat sagutin depende sa pananaw ng ibang tao o sa sarili mo. Maaaring kumalap ng impormasyon sa ibang tao para mas maintindihan mong mabuti ang paksa.

Sa kabuuang ito ang pagsususlat ay mahalaga sa bawat tao at para magkaroon ng ideya sa pag gawa ng pananaliksik.

OP no. 2

Suicide: Mga kadahilanan kung bakit nagagawa ito ng isang tao.

Tinutukoy sa pag aaral na ito kung bakit ginagawa ng isang tao anh magpakamatay. Ang pagtangka sa pagkitil ng buhay ay hindi solusyon sa problema. Ang pagaaral na ito ay nalalayonna ipaalam sa mga kabataan ngayon na hindi solusyon ang pagkitil sa buhay at para malaman na ang buhay ay walang katumbas na halaga.

Bakit pinipili ng mga tao na magpakamatay kaysa harapin nila ang mga problema nila ng buong puso? Maraming tao ang inaakaaya ang kanilang buhay dahil sa pag-aakalang ang pagpapakamatay ang solusyon sa kanilang mga problema. Hindi ba nila naisip na ito ay pagsubok lamang sa kanila na dapat buong puso mo lang ito harapin dahil ang lahat ng problema ay nasusulusyonan, ang problema ay hindi pang habang buhay, may katapusan din ito.


OP no. 3
"Titser Annie"
 Isang guro ang naglalakbay linggo-linggo para punta sa Sitio Labo upang turuan ang mga mangyan. Milya milya ang nilalakbay ni titser Annie bago makarating sa Labo Elementary school maglalakbay sa bulubundukin at tatawid sa labing anim na ilog.

  May isang estudyante si titser annie sa kinder at ito ay si Dina. Si Dina ay dalawampung taong gulang na. Kaya ngayon lang nakapag aral si Dina dahil ayaw siyang pag aralin ng kanyang ama ngunit maaagang nawala ang kanyang ama kaya siya ang tumayong ama at ina sa kanyang pamilya. Dahil ang kanyang ina ay may sakit sa loob ng dalawang taon kaya si dina ay nagtrabaho para may pambili ng pagkain at gamot para sa kanyang ina. Minsan si Dina ay tatlong beses sa isang linggo para pumasok sa eskwelahan para magtrabaho. Kumukuha siya ng saging para ito ay ibenta pagkatapos ito ay dadalhin nya sa bayan ang mga nakuhang saging para ito ay ibenta. Mahigit dalawang oras maglalakad si Dina sa batuhan at ilog bago siya makaratinh sa bayan. Nang makarating si Dina sa bayan ay binenta na niya ang mga saging at ang kinita lamang niya ay 144 pesos.  Si Dina ay pumunta sa botika oara bumili ng gamot para sa kanyang ina ngunit hindi sapat ang kanyang pera para pambili ng bigas kaya gamot na lamang ang binili ni Dina. Si Dina ay tinutulungan ni titser Annie binibigyan siya ng bigas para sa kanyang pamilya.


OP no. 4

Ang paaralang San Agustin ay ipinangalan sa patron ng Tanza na si San Agustin o mas kilala sa ngalan na Tata Usteng.  Ang paaralang Aan Agustin ay itinatag noong Pebrero 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo,  ang pari ng parokya sa panahong iyon. Ang paaralang San Agustin ay nagbukas noong Hunyo at nag alok ng kinder at unang baitang. Ipinaubaya ang sistema ng pagtuturo sa ilalim ng De La Salle University. Mula sa 44 na estudyante at dalawang guro, naging maayos ang mga sumunod na taon.

      Marami ang naging punong guro ng paaralang ito, nagsimula kay Sr. Gabuyina hanggang sa kasalukuyang punong guro na si Ms. Mercedita P. Pacumio at ang kasalukuyang direktor ng paaralan na si Fr. Alain P. Manalo. Noong 2015 ay nagtatag sila ng bagong gusali para sa ika-11 baitang at ika-12 baitang na tinatawag na "Senior High School"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...