GIAN

Journal blg. 1
Katanungan: Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik?

     Mayroong iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik. Ito ay ang mga abstrak, sintesis na kung saan ito ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, bionote, memorandum at marami pang iba. Ang mga ito ay intelektuwal na pagsulat na makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan. Ginagamit din ang mga ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
      Ang mga aspeto na siyang mahalagang malaman ay ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik. Ang mga ito ay mahalagang isaalang-alang sapagkat ang mga ito ay magsisilbing mga patakaran na siyang dapat sundin upang maging pormal ang pagsusulat. Dapat malinaw ang dahilan o layunin sa isang sulatin upang hindi magkaroon ng problema sa mga iintindi o babasa ng sulatin. Dapat ding sinusunod ang mga paraan ng pagsulat. 
      Sa pagsulat ng isang sulatin, nararapat lamang malaman ang mga nasabi dahil dito malalaman ang kaalaman ng isang estudyante. Ito rin ay makatutulong sa mga mambabasa na maging malinaw at maunawaan nila ng lubos ang isang sulatin. Ito rin ay malaking tulong upang lalong mapalinaw at mahasa ang kanilang kaalaman sa pagsulat.




- Muyot, Gian Lorenz P.


Sulatin blg. 1
Pagsulat ng Abstrak

Suriin at iulat ang mga detalye sa tungkol sa papel-pananaliksik ni Graziel  Ann Ruth Latiza (2015) ng Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon na may pamagat na "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas."

Pamagat: "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas"

Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latizaf

Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon

Mahahalagang Impormasyon: Ang mahahalagang impormasyon ng pag-aaral ay pinagtuonan ng pansin ang etika ng mga doktor bilang lunsaran ng mga kuwento ng kaapihan, katiwalian, at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas. Ito rin ay nagtampok sa Kulturang Pilipino, partikular sa "pakikipagkapwa-tao." Inilahad sa pag-aaral ang karanasan ng isang doktora na nagtapos ng kanyang Internship. Sa kaniyang karanasan ay sinasabi na siya ay namulat sa mga hindi etikal na gawain ng kaniyang mga kasama o kapwa doktor. Nakasaad din sa pag-aaral kung paanong ang isang tao ay napipilitan na tumaliwas sa paniniwala upang maabot lamang ang personal na pangangailanagan. 

Kahalagahan ng Pag-aaral: Kahit na sensitibo ang paksa ng pag-aaral, ito ay nagmulat pa rin sa katotohanan ng mga tao na hindi lahat ay etikal ang gawain. Ito ay nagpaalala sa mga tao na hindi lahat ay sumusunod sa mga sinumpaang tungkulin ngunit ito pa rin ay nagbibigay-pugay sa mga doktor na marunong sumunod sa patakaran. 

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman ano pa ang pinagkaiba ng laman?
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan?

Mga Kasagutan:
1. Ang abstrak na pinamagatang "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas," ay tungkol sa buhay ng mga doktor sa loob ng isang tipikal na ospital at ang mga hindi etikal na gawain ng mga ito. Ang abstrak naman na pinamagatang, "Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik," ay tungkol sa kung ano ang nais na malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto na emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. 

2. Bukod sa nilalaman, ang kaibahan ng abstrak na tungkol sa etika ng mga doktor ay hindi ito ginamitan ng statistical o numerical data. Samantala, ang abstrak na tungkol sa karanasan ng batang ina ay may ginamit na quantitative method. 

3. Sa abstrak na sulatin, higit kong naunawaan ang tungkol sa etika ng mga doktor sapagkat ito ay detalyado at mabilis malaman at maunawaan kung tungkol saan ang pag-aaral. 

Note: Ang pangalawang abstrak na inihambing sa unang pananaliksik ay ang pananaliksik nila Gisella Mari A. Avelion, Florentiono L. Elic at Fernando A. Garcia (2015) ng LPU laguna Journal of Arts and Sciences na may pamagat na Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik.

- Muyot, Gian Lorenz P.


Sulatin blg. 2
Pagsulat ng Bionote

Pangalan: Gian Lorenz Panaligan Muyot
Kapanganakan: Agosto 25, 2000
Edad: 17 taong gulang
Kasarian: Babae
Magulang:
Ina: Michelle Reyes Panaligan
Ama: Lorenzo Enriquez Muyot
Tirahan: Blk 21 Lot 17 Jasmin St. Hauskon Homes Brgy. 6 Julugan Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan (Grado at Pangalan ng Paaralan): Grade 12 - Saint Augustine School - Senior High School
Mga Asignaturang Kinawiwilihan: Fundamentals in Accountancy, Business and Management, Business Finance, at English
Mga Kinahihiligang Gawain: Sumulat ng tula, gumuhit, at mag-laro ng volleyball
Mga Natatanging Kasanayan: Computer Editing Skills (MS Word, PPT, at iba pa) at sumulat ng artikulo
Pangarap na Propesyon: Maging isang Certified Public Accountant


- Muyot, Gian Lorenz P.


Journal blg. 1


Katanungan: Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik?

       Mayroong iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik. Ito ay ang mga abstrak, sintesis na kung saan ito ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, bionote, memorandum at marami pang iba. Ang mga ito ay intelektuwal na pagsulat na makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan. Ginagamit din ang mga ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
       Ang mga aspeto na siyang mahalagang malaman ay ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik. Ang mga ito ay mahalagang isaalang-alang sapagkat ang mga ito ay magsisilbing mga patakaran na siyang dapat sundin upang maging pormal ang pagsusulat. Dapat malinaw ang dahilan o layunin sa isang sulatin upang hindi magkaroon ng problema sa mga iintindi o babasa ng sulatin. Dapat ding sinusunod ang mga paraan ng pagsulat.
       Sa pagsulat ng isang sulatin, nararapat lamang malaman ang mga nasabi dahil dito malalaman ang kaalaman ng isang estudyante. Ito rin ay makatutulong sa mga mambabasa na maging malinaw at maunawaan nila ng lubos ang isang sulatin. Ito rin ay malaking tulong upang lalong mapalinaw at mahasa ang kanilang kaalaman sa pagsulat.



- Muyot, Gian Lorenz P.



Sulatin blg. 1

Pagsulat ng Abstrak



Suriin at iulat ang mga detalye sa tungkol sa papel-pananaliksik ni Graziel Ann Ruth Latiza (2015) ng Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon na may pamagat na "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas."
Pamagat: "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas"
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon
Mahahalagang Impormasyon: Ang mahahalagang impormasyon ng pag-aaral ay pinagtuonan ng pansin ang etika ng mga doktor bilang lunsaran ng mga kuwento ng kaapihan, katiwalian, at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas. Ito rin ay nagtampok sa Kulturang Pilipino, partikular sa "pakikipagkapwa-tao." Inilahad sa pag-aaral ang karanasan ng isang doktora na nagtapos ng kanyang Internship. Sa kaniyang karanasan ay sinasabi na siya ay namulat sa mga hindi etikal na gawain ng kaniyang mga kasama o kapwa doktor. Nakasaad din sa pag-aaral kung paanong ang isang tao ay napipilitan na tumaliwas sa paniniwala upang maabot lamang ang personal na pangangailanagan.
Kahalagahan ng Pag-aaral: Kahit na sensitibo ang paksa ng pag-aaral, ito ay nagmulat pa rin sa katotohanan ng mga tao na hindi lahat ay etikal ang gawain. Ito ay nagpaalala sa mga tao na hindi lahat ay sumusunod sa mga sinumpaang tungkulin ngunit ito pa rin ay nagbibigay-pugay sa mga doktor na marunong sumunod sa patakaran.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman ano pa ang pinagkaiba ng laman?
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan? Mga Kasagutan:
1. Ang abstrak na pinamagatang "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas," ay tungkol sa buhay ng mga doktor sa loob ng isang tipikal na ospital at ang mga hindi etikal na gawain ng mga ito. Ang abstrak naman na pinamagatang, "Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik," ay tungkol sa kung ano ang nais na malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto na emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
2. Bukod sa nilalaman, ang kaibahan ng abstrak na tungkol sa etika ng mga doktor ay hindi ito ginamitan ng statistical o numerical data. Samantala, ang abstrak na tungkol sa karanasan ng batang ina ay may ginamit na quantitative method.
3. Sa abstrak na sulatin, higit kong naunawaan ang tungkol sa etika ng mga doktor sapagkat ito ay detalyado at mabilis malaman at maunawaan kung tungkol saan ang pag-aaral.

Note: Ang pangalawang abstrak na inihambing sa unang pananaliksik ay ang pananaliksik nila Gisella Mari A. Avelion, Florentiono L. Elic at Fernando A. Garcia (2015) ng LPU laguna Journal of Arts and Sciences na may pamagat na Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik.

- Muyot, Gian Lorenz P.



Sulatin blg. 2 Pagsulat ng Bionote

Pangalan: Gian Lorenz Panaligan Muyot
Kapanganakan: Agosto 25, 2000
Edad: 17 taong gulang
Kasarian: Babae
Magulang:
Ina: Michelle Reyes Panaligan
Ama: Lorenzo Enriquez Muyot
Tirahan: Blk 21 Lot 17 Jasmin St. Hauskon Homes Brgy. 6 Julugan Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan (Grado at Pangalan ng Paaralan): Grade 12 - Saint Augustine School - Senior High School
Mga Asignaturang Kinawiwilihan: Fundamentals in Accountancy, Business and Management, Business Finance, at English
Mga Kinahihiligang Gawain: Sumulat ng tula, gumuhit, at mag-laro ng volleyball
Mga Natatanging Kasanayan: Computer Editing Skills (MS Word, PPT, at iba pa) at sumulat ng artikulo
Pangarap na Propesyon: Maging isang Certified Public Accountant

- Muyot, Gian Lorenz P.



Sulatin blg. 3
Pagsulat ng Talumpati
Talumpati (Pagsusuri): "Ako ay Pilipino"


Mga Katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng talumpati para sa iyo?
2. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng talumpati?
3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati?
4. Anong uri ng talumpati ang binasang teksto?
5. Paano masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang damdamin ng kaniyang mga tagapakinig?
Mga Kasagutan:
1. Ang talumpati batay sa aking pinanood ay may iisang paksa at ang nais na iparating ay dapat diretso at hindi palawig-lawig. Ito ay isinasaulo at kung ano lamang ang impormasyon na mahalaga ang siyang dapat pinagtutuunan ng pansin.
2. Ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati ay ang pinaka-isyu o ideya o paksa. Mahalaga din bigyang-diin ang mga impormasyon na siyang dapat kaaya-aya sa mga manonood o mambabasa.
3. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil sa kanila nakasalalay ang magiging resulta ng pagtatalumpati batay sa kanilang mga reaksyon o gustong sabihin. Isa pa sila ang nararapat na mahikayat at magkalap ng mga impormasyon na kanilang kailangan.
4. Ang uri ng talumpati ay isang isinaulong talumpati sapagkat makikita dito ang husay ng pagbabalangkas at uri o paraan ng pagsasalaysay.
5. Ito ay masisiguro kung makikita sa kanilang reaksyon na sila ay alerti at sinisiguro ang bawat salitang mamumutawi sa iyong bibig. Isa pa ay kung ang tagapakinig ay nahihikayat at nakakalap ng impormasyon.
Spoken Poetry (Pagsusuri): "Engkwentro"
Mga Katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng spoken poetry para sa iyo?
2. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng spoken poetry?
3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa paglalahad ng isang spoken poetry?
4. Anong uri ng spoken poetry ang binasang teksto?
5. Paano masisiguro ng isang manunula na napupukaw niya ang damdamin ng kaniyang mga tagapakinig?

Mga Kasagutan:
1. Ang spoken poetry ay batay sa karanasan ng isang manunula na kalimitang inihahalintulad sa karanasan ng ibang tao at kalimitang impromptu o biglaan.
2. Ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin ay ang mga tagapakinig at ang mensahe nito sa ibang tao na kalimitang binabatay sa karanasan ng isang tao,
3. Ito ay dahil sila ang bumubuhay sa isang gawa at ito ay nagpapakita din sa kung paanong sila ay nakare-relate sa inilagad o isinalaysay.
4. Ito ay tila isang uri ng impromptu o biglaang paglalahad o pagsasalaysay.
5. Ito ay kapag nahikayat ang mga tagapakinig at sila ay nakapulot ng aral sa pamamagitan nito. Isa pa ay kapag ito ay nagsilbing inspirasyon sa kanila upang magsulat rin.

- Muyot, Gian Lorenz P.



Sulatin blg. 4
Pagsulat ng Posisyong Papel


Suriin Mo Na

Mga Katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sarilong pag-unawa?
2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
4. Ano-ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
Mga Kasagutan:
1. Ito ay naglalahad ng sariling opinyon kung saan ikaw ay may pinapanigan. Ito ay dapat na naglalahad ng mga katotohanan tungkol sa isang partikular na isyu.
2. Dahil ito ang magmumulat sa mga tao tungkol sa kung ano man ang isyu na pinatutungkulan at ito din ay magbibigay daan upang maiparating ang opinyon sa isang isyu ng mga manunulat.
3. Ang mga "claims," mga ebidensya at argumento ukol sa paksa o isang oartikular na isyu ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel. Ang mga ito ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay magbibigay-diin sa mga detalyeng ibinigay at susuporta ito sa kung anong panig ang ipinglalaban.
4. Nililinang nito ang kaalaman at hinahasa ang paraan ng pagsulat sa iba’t ibang larangan o uri ng sulating akademiko.
5. Mahalaga itong isaalang-alang dahil sila ay imumulat sa kung ano ang isyung tinatalakay kung kaya’t dapat tama ang mga impormasyon na ilalahad.

Isabuhay Mo Na
Mga Katanungan:
1. Ano ang isyung binibigyang-diin sa posisyong papel?
2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
3. Paano inilatag ang mga ebidensiya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

Mga Kasagutan:
1. Ang isyu ay tungkol sa paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.
2. Ito ay inilahad sa pamamagagitan ng pagbigay ng malinaw na posisyon sa naturang isyu, pagbibigay ng mga suportang detalye para pagtibayin ang posisyon at ang kasalungat na pananaw ukol rito.
3. Sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon galing sa mapagkakatiwalaang sanggunian. Ang mga ito ay:
* Paniniwalang mabisa ang gamit ng Filipino sa mabilis at mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral.
* Ang hindi paggamit nito ay nasisira sa kulturang panrelihiyon at paglabag sa konstitusyon ni dating Pangulo Manuel L. Quezon.
* Ayon sa 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6, Filipino ang dapat maging midyum opisyal...
4. Ito ay ang paglalahad ng layunin ng pamantasan na hubugin at paunlarin ang kaalaman at kasanayan sa paggamit sa Wikang Filipino.
5. Ito ay salungat sa nasabing opinyon. Naniniwala ako na patuloy na umuunlad ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika. Sapagkat ito ay ginagamit sa pang-araw-araw na buhay kung kaya’t nararapat lamang na mas bigyang pansin ang mga asignaturang kailangan.

- Muyot, Gian Lorenz P.




Sulatin blg. 5
Pagsulat ng Posisyong Papel


Simulan Mo Na
Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon:
1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.
2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
3. Ang iyong ama ay dating meyor ng inyon bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay kumakandidato bilang Kapitan sa inyong komunidad ay inaakusahan ka na isang magnanakaw.

Mga Kasagutan:
1. Sasabihin ko sa aking guro na hindi tama ang paratang ng aking kaklase. Hahanap ako ng isang tao na magpapatunaay na ako ay walang ginawang kasalanan. Kung sakaling hindi maniwala ang aking guro, hihingian ko ng ebidensiya ang kaklase ko nagsabi na ako ang may kasalanan.
2. Sasabihin ko na hindi purkit siya ay naiinis, ay gagawan ko siya ng hindi maganda. Isa pa, mali ang magbintang ng walang sapat na ebidensiya. Sasabihin ko na hindi naman yata tama na ginawan ko siya ng pabor sa pagbalik ng wallet niya ay pagiisipan niya pa ako ng masama. Karapatan kong mangatwiran gayong alam ko naman na ako ay nasa tama.
3. Bilang isang kakandidato, nararapat ko lamang silang hikayatin na ako ay hindi magiging tulad ng isang magnanakaw o gaya ng aking ama. Papatunayan ko na hindi ako katulad niya sa pangangako na bilang isang kapitan ay sasabihin ko lahat ng mangyayari para lamang sila ay malinawagan. Isa pa ay papatunayan ko din na hindi kayang itama ang mali ng isa pang mali kaya dapat ay hindi nila ako itulad sa aking ama.


- Muyot, Gian Lorenz P.


OP blg. 1

“Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kaniyang sulatin depende sa kaniyang kaligiran, interes, at pananaw.”


       Ang pagsulat ay isang paraan upang ipahayag ang kaniyang nais sabihin o iparamdam. Ito ay maaaring tumukoy depende sa interes o karanasan ng isang manunulat. Sa bawat pagsulat, ito ay ginagamitan ng proseso at may sinusunod na panamaraan upang magkaroon ng kalinawan sa mga mambabasa. Nararapat lamang itong magkaroon ng paksa, tema, at layunin na siyang makatutulong sa lalong paglinang o paghasa ng impormasyon sa makababasa. Ang mga aspetong ito ng pagsulat ay higit na binibigyang pansin upang malaman ang nais na ipahayag ng manunulat.
       Upang magkaroon ng isang epektibong pagsulat, una, ito ay dapat sa isang paksa lamang umuukol. Ito ay siyang nararapat na bigyang-pansin sapagkat anumang mga salaysay o pangungusap ang napabilan sa isang sulatin ay siyang magbibigay kalituhan sa mga mambabasa. Dapat ay inaalam muna ng isang mag-aaral o manunulat ang lahat ng impormasyon na kaniyang kailangan na tumutukoy sa isang paksa upang magkaroon ng hangganan ang kaniyang tinatalakay. Kapag ito ay nahasa at hindi ipinag-walang bahala, ito ay malaking tulong sa mga mambabasa. Pangalawa ay ang tema na siyang magsasaad kung saan nauukol ang isang paksa. Ang pagsulat ay nararapat umayob sa kung anong tema ang ibinigay o inilahad. Ito din ang magtatakda ng emosyon ng isang mambabasa. Sa tema at paksa nakasalalay ang magiging sagot sa mga tanong ng mga mag-aaral. Dito dapat na ituon ang pansin sapagkat ay magbibigay impormasyon at turo sa mga mambabasa. Ang isang pagsulat ay nakadepwnde sa kung anong interes, kaligiran at pananaw ng manunulat. Sa mga ito nakadepende din ang pagkatuto ng isang mag-aaral o sinumang mambabasa. Ang pagsulat rin ay hindi basta-basta sa halip, ito ay nararapat na magkaroon ng isang aral at siyang tatatak sa isip ng mambabasa.
       Sa pagbuo ng isang sulatin, dapat isinasaalang-alang ang paksa, tema, o ang mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mga mag-aaral. Sa pagsaalang-alang ng mga ito, malaki ang maitutulong sa paglunang ng damdamin at ng manunulat pati na din ng mambabasa. Kung ang isang sulatin ay may iisang paksa at tema, hindi mahihirapan ang mag-aaral na magkaroon ng kritikal na pag-aanalisa at magkaroon ng mga makabuluhang impormasyon. Dapat rin na isaalang-alang kung sino ang magbabasa at kung ito ay interesado sa susulatin ng isang manunulat. Dapat ay marunong tayong bumuo ng pahayag na alam nating makatutulong sa iba. Ang pagsulat ay siya ding makatutulong sa pagyaman ng bokabularyo ng isang tao at ito din ay isang paraan kung saan makakokonekta ang bawat isa at magsisilbing daan upang maipahayag ang nais ng manunulat kung kaya’t nararapat na uminog ito sa isang paksa at tema. 


- Muyot, Gian Lorenz P.


OP blg. 2

Pagsulat ng Abstrak (Deskriptibong Abstrak)
Teenage Pregnancy: Iba’t ibang Pananaw ng mga Tao sa Tanza, Cavite

       Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kung ano nga ba ang pananaw ng mga mamamayan ng Tanza, Cavite sa maagang pagbubuntis o teenage pregnancy. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang sanhi at ang opinyon ng mga tao na kabilang sa grupo ng mga kabataan, magulang at bilang na Opisyales ng Simbahan. Ang mga mananaliksik ay naghanap ng kanilang iinterbiyuhin sa Simbahan ng Tanza at paaralang Tanza National Comprehensive High School. Ang mga ito ay nakakalap ng dalawampung kalahok upang matugunan ang ginawa nilang tanong. Ang mga Opisyales ng Simbahan naman ay masasagot sa pamamagitan ng google form.
       Sa mga nakalap na datos, makikita sa resulta na ang mga mamamayan ng Tanza ay hindi katanggap-tanggap ang maagang pagbubuntis. Ngunit kung ito ay nangyari na, matatanggap rin nila ito sa huli.

- Muyot, Gian Lorenz P.


OP blg. 3
Pagsulat ng Sintesis (Kronolohikal)



       Ipinakita sa programang iWitness na pinangungunahan ni Karen Davila ang buhay ng isang guro na siyang nagtuturo sa Labo Elementary School na siyang matatagpuan sa Sitio, Labo ang isa sa pinakadulong siyudad sa Bansud Mindoro Oriental. Si Titser Annie ay linggo-linggong tinatahak ang bangin, ilog at bundok upang marating ang paaralan. Ito ay kaniyang misyon kasama si Titser Cristel. Si Titser Annie ay nagtuturo sa Kinder at Grade 1 hanggang Grade 3. Labing-apat na taon siyang nagturo sa pribadong paaralan kung kaya’t hindi siya sanay sa hirap at pagod na kaniyang nararanasan. Isa sa kaniyang estudyante ay si Dina na siyang nagsusumikap na matuto. Tatlong araw lamang siya napasok sapagkat ang kaniyang nanay ay may sakit. Dalawang taon nang mayroong sakit ang kaniyang nanay at kinakailangan niya pang manguha ng sagng at ibenta ang mga ito upang makabili ng gamot. Ayon kay Titser Annie, minsan sila na ang bumibili ng kailangan na gamot at ibinibiay na lamang ito kay Dina. Noong sinabi kay Titser Annie na tapos na ang kaniyang misyon ay hindi na niya kayang iwan ang mga bata at mamamayan doon sapagkat napamahal na siya dito. Dito niya napagtanto na kahit sobrang hirap ng buhay, nagagawa pa din ng mga bata na tumawa at ngumiti na parang walang problema. Ito din ay nagsilbing aral na hindi kailanman naging hadlang ang kahirapan upang mag-aral at magpursigi na matuto para sa kinabukasan.

- Muyot, Gian Lorenz P.



OP blg. 4
Pagsulat ng Sintesis (Kronolohikal)


       Ang paaralang San Agustin ay ipinangalan hango sa patron na santo na si “St. Augustine” o mas kilala sa tawag na Tata Osteng. Ito ay itinayo noong Pebrero 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na siyang pari noong panahon na iyon. Ito ay pormal na nagbukas noong Hunyo, 1969 na may antas na Kinder at Grade 1. Ang sistema ng paaralan ay dating sumailalim sa “De La Salle Supervision.” Mula sa apat na pu’t apat na estudyante at dalawang guro, ito ay mabilis na lumago sa parehas na aspeto. Pagkatapos ng isang taon, naitayo ang building para sa elementarya at sa taong 1971 ay sumunod ang high school building at sa ganap na taong 1972 ay kumpleto na ang mga building kasunod ang basketball court. Simula taong 1989 hanggang sa ngayon ay si Ms. Mercedita Pacumio pa din ang Principal. Sa nagdaang taon, maraming estudyante na ang nagtapos sa paaralan at nagbigay ng karangalan. Sa ngayon ito ay nag-aalik na din ng Senior High School na matatagpuan sa Daang Amaya III. Ang selyo o logo ng San Agustin na siyang may motto na “Si Possunt cur non Ego” o “If they can, why can’t I,” ay siyang ginagamit ng mag-aaral dito o ang tinatawag na Augustinian. Hanggang sa ngayon, patuloy pa din nitong nililinang ang edukasyon na naka-sentro kay Kristo at patuloy na humuhubog sa mga estudyante at naniniwalang malayo pa ang kanilang mararating.

- Muyot, Gian Lorenz P.


OP blg. 5
Pagsulat ng Bionote


       Si Gian Lorenz P. Muyot ay ipinanganak noong Agosto 25, 2000. Ang kaniyang mga magulang ay sina Michelle R. Panaligan at si Lorenzo E. Muyot. Siya ay kasalukuyang nakatura sa Blk 21 Lot 17 Jasmin St. Hauskon Homes Julugan VI Tanza, Cavite. Sa Saint Augustine School - Senior High School siya kasalukuyang mag-aaral at kinukuha ang strand na Accountancy, Business and Management o ABM. Ang kaniyang mga kinahihiligang gawain ay ang pag-guhit, pagsulat ng tula at kung may libreng oras ay ang paglaro ng volleyball. Kaya niyang sumulat ng mga artikulo dahil siya ay kabilang sa grupo ng journalism noong Junior High School Student pa siya. Kasalukuyan naman siyang kabilang sa Augustinian Supreme Student Government o ASSG bilang P. R. O. at tumanggap rin ng silver award sa katapusan ng unang semestra.

- Muyot, Gian Lorenz P.



OP blg. 6
Pagsulat ng Talumpati (Spoken Poetry)


REPLEKSIYON
Isang araw habang naglalakad
Sa gitna ng kawalan
Ay may lumapit sa akin
At nagkuwento...
Tungkol sa mga bagay na hindi ko
Alam kung bakit niya inilalahad.
Sa kung paano siya pilit na
Lumalaban sa hampas ng buhay.
Sa kung paano niya sinisiguro na
Perpekto lahat para hindi magsawa ang buhay
Sa pakikinig ng mga hinanakit.
Hanggang sa dumilim; Nagpaalam na siya
At sinabing, “Magkita tayong muli.”
Isang araw habang naglalakad sa
Gitna ng kawalan,
Lumapit siyang muli
At nagkuwento tungkol sa mga bagay
Na hindi ko alam kung bakit sa akin
Siya nagkukuwent gayong ang dami naman tao dito.
Pero hindi ko din mawari,
Bakit patuloy akong nakikinig


At tila ba ang sakit-sakit
Mapakinggan ang mga namumutawi sa kaniyang bibig.
Hindi pala siya nakakukuha ng suporta
Sa mga bagay na gusto niya
Dahil ang tanging gusto ng pamilya niya
Ay ang maging kauna-unahan siya.
Sinabi niya pa na hindi pa din pala sapat
Para sa kanila ang mga nakakamit niya.
Sa kung paanong nararamdaman niyang
Kalaban niya ang buong mundo,
Pero nagagawa niya pa ding tumayo dito.
Hanggang sa dumilim ulit
Pero hindi siya nagpaalam
At nagmamadaling umalis.
Sinundan ko siya hanggang
Sa makarating kami sa kung ano...
Ano nga ba talaga ang mundo?
Pero nagtaka ako,
Kung bakit may sinuot siyang maskara


Gayong hindi naman kailangan
Dahil wala namang pagdiriwang na nagaganap?
Ngunit napatigil ako noong nalaman ang rason
Kung bakit siya nagsusuot nito.
Nakita ko siya sa pagitan ng saya at lungkot,
Sa pagitan ng halakhak at iyak,
Sa pagitan ng tama at mali,
Sa kung paanong itinatama niya ang mali,
Sa kung paanong ang itak ay ginagawa niyang halakhak,
Sa kung paanong ang lungkot ay pinapalitan niya ng saya,
Huwag lamang maapektuhan ang paligid niya.
Sa kung paanong pinapasaya niya ang iba,
Gayong hindi naman talaga siya masaya.
Nakita ko kung paano niyang pilit ikinukubli,
Ang sarili para lamang ang iba’t walang masabi.
Iyon pala ang halaga ng maskara sa kaniya.
Hanggang sa isang araw sa gitna ng kawalan
Ay may napagtanto ako.
Iyong taong nakakausap ko
Ay hindi lang pala basta kung sino.
Iyon pala ang “repleksiyon” ko.
Sarili ko na pala ang inilalahad niya sa madla.
Buhay ko na pala ang nasa tula.
Repleksiyon ko pala ang nakikita ko.
Dahil nakaharap ako sa salamin.
Nang magpakunwaring buhay ko.
Tapos na ang palabas ko.
Tapos na ang kuwento ko.
Tapos na ang pagkukunwari ko.
Maaari ko na sigurong hubarin
Ang maskarang suot ko. 


- Muyot, Gian Lorenz P.




OP blg. 7
Pagbibigay Argumento sa isang Editorial Cartoon
“Ugat ng Krimen”



       Sa panahon natin ngayon ay laganap ang mga patayan o hindi kaaya-ayang mga pangyayari sa ating bansa. Ito ay dahil sa hindi magandang intensyon ng ilang mga tao. Dahil dito, maraming naaapektuhan at hindi nagiging tahimik ang ating bansa. Bilang isang estudyante, naniniwala ako ba na mayroong isang nasa mataas na posisyon ang siyang nag-uutos sa mga tao o iilang mga tao na gumawa ng hindi kaaya-aya o ng krimen. Ito marahil ay dahil sa hirap ng buhay at ito ang tanging paraan para sila’y magpatuloy sa agos ng buhay. Lahat ng krimen ay may puno’t dulo o ugat. Isa lang dahilan kung bakit nasabi ko ba mayroong mastermind sa likod ng mga krimen ay maaaring away sa politika kung kaya’t ang mga taong ito ay kumukuha ng mga mauutusan upang siraan o lagyan ng bahid ang isang administrasyon. Sa dahilan na kung bakit pumapayag ang mga taong sangkot rito ay marahil tinatakot sila at sinasabing hawak ang pamilya ng mga ito. Ito ay dapat na binibigyang-pansin dahil malaki ang epekto nito sa ating bansa.


- Muyot, Gian Lorenz P.


FINALS

Sulatin blg. 1

Suriin Mo Na
Mga Katanungan:
1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
2. Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
3. Ano - ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
5. Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?

Mga Kasagutan:
1. Ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay ay ang kasanayan ng mga manunukat na iba't ibang uri ng sanaysay at lumago pa lalo ang mga kaalaman ukol dito.
2. Ito ay dahil mas mabisa ang ganitong uri ng wika at dahil tila ikaw ay nagkukuwento kung kaya't dapat lamang na gamitin ang deskriptibong wika.
3. Ang pagpili ng mga salitang gagamitin at istilo ng pagsulat upang maging maayos ang pagsulat sa repleksiyong sanaysay.
4. Dahil ito ay makatutulong sa paglinang ng kaalaman sa pagsulat ng iba't ibang uri ng sulatin. Isa pa ay binibigyang - katwiran nito ang iyong karanasan.
5. Ang iyong karanasan na siyang magbibigay aral sa mga mambabasa. Ito ay dahil sa pamamagitan nito ay matututo hindi lamang ang manunulat kundi pati ang mambabasa.

Sulatin blg. 2

Isabuhay Mo Na
Mahalagang Aral na Pumukaw sa aking Isipan:
     Ito ay ang hindi pagsuko sa mga bagay na nais makamit. Isa pa ay darating ang araw na makakamit natin ito at mararating ang "finish line" sa ating buhay.
Pag - uugnay sa Sariling Karanasan:
     Maiuugnay ito sa sariling karanasan ko sa mga panahon na ako ay hirap na hirap at pakiramdam ko ay sukong - suko na ako na hindi dapat ako sumuko dahil pagsubok lamang.
Pagsasabuhay sa Natuklasan sa Iyong Sarili:
     Natuklasan ko na lakas ng loob at hindi pagsuko ang kailangan para marating ang mga nais na makamit sa buhay.

Sulatin blg. 3

Suriin Mo Na
Mga Katanungan:
1. Ano ang pagkakaiba ng larawang - sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay?
2. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?
3. Ano - ano ang layunin ng pictorial essay?
4. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag - aaral na tulad mo?
5. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong interes?

Mga Kasagutan:
1. Ang larawang - sanaysay ay ginagamitan ng mga larawan kung saan ito ay binibigyan ng maikling "caption" hindi kagaya ng isang tradisyonal na sanaysay na mayroong panimula, katawan at wakas.
2. Dahil dito ibabase ang "caption" na gagawin at dito rin nabubuo ang ideya o teksto na bubuuin o nais ilahad.
3. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon at malinang ang pagiging malikhain.
4. Sa pictorial essay ay malilinang ang pagiging malikhain at nakatutulong ito sa pagbubuo ng ideya o teksto na maiisip sa mga larawang makikita.
5. Ito ay dahil sa madaling pagbubuo ng teksto at dahil interes mo ito, hindi ka masyadong mahihirapan na mag - isip.

Sulatin blg. 4

Sulatin blg. 5
C - communicate
     Sa aralin na tinalakay, natutunan ko ang iba't ibang uri ng liham. Dito ko nalaman ang halaga ng bawat liham. Natutunan ko din ang mga gamit ng iba't ibang uri ng liham, kung saan at kailan ito gagamitin.
R - react
     Ito ay nakadagdag sa aking mga nalaman at mas lumawak ang aking bokabularyo ukol dito. Nagbigay sa akin ito ng kaunting kalituhan. Ngunit nakapagbigay ito ng sapat na kaalaman sa kung ano - ano ang pagkakaiba nito.
O - offer
     Ang aralin ay tungkol sa iba't ibang uri ng liham at kung ano - ano ang gamit nito at kung saan ito dapat gamitin.
W - where
     Ito ay magagamit sa mga sitwasyon na dapat ay gamitan ng tamang liham. Makatutulong din ito sa pag - aaral at sa mga pagkakataong kailangang gumawa ng liham ukol sa isang okasyon. Maaari rin itong magamit sa pang - hinaharap sa paghahanap ng trabaho.
N - note
     Ang masasabi ko ay nakatutulong itong maigi sa buhay ng isang estudyante. Ito rin ay nagbigay ng sapat na kaalaman. Mas lalo din nitong pinalawak ang bokabularyo ko sa iba't ibang uri ng liham.

Sulatin blg. 6

Propesyon: Accountant

1. Ako po si Gian Lorenz Muyot na nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy  sa Adamson University taong 2023. Ako ay may karangalang Cum Laude at pumasa sa Board Exam.
2. Ako ay isang tapat at responsable noong ako'y isang working student pa lamang kaya't nakasisiguro ako na kaya kong maging tapat at responsable sa aking magiging trabaho.
3. Handa akong matuto sa kung ano ang ituturo pa sa akin. Ako ay maaasahan sa kahit anong bagay at kaya kong ibigay ang gawain sa nakatakdang oras.

Sulatin blg. 7

Suriin Mo Na
Mga Katanungan:
1. Sapat bang sabihing magalang ang isang liham kung gumagamit ng po at/o opo ang taong sumulat? Bakit?
2. Bakit kailangang isaalang - alang ang wika ng taong padadalhan ng liham?
3. Mag - isip ng isang kasabihan o salawikaing maaaring iugnay sa katangian ng liham na "pagiging magalang." Ipaliwanag.
4. Paano nagkakaiba - iba ang pagbuo ng iba't ibang uri ng liham?
5. Ano - ano ang dapat iwasan sa pagsulat ng liham?

Mga Kasagutan:
1. Hindi, dahil ang pagsulat ng liham ay dapat ginagamitan pa rin ng matatapat at mga angkop na salita upang ito ay maging pormal at masabi na ito ay magalang.
2. Ito ay dahil dito nakasaalang - alang ang pagkakaintindihan at upang masiguro na malinaw ang mensaheng nais na iparating.
3. "Ang mataas ay siyang ibababa at ang mababa ay siyang itataas." Ibig sabihin, kung sino man ang magalang na siyang nagpapakaba ay siyang itataas. Maiuugnay ito sa katangian ng liham sapagkat ang pagiging mapagkumababa ay kaakibat ng pagiging magalang na siyang katangian ng isang liham.
4. Ito ay nagkakaiba - iba sa anyo, kalikasan, at "purpose" ng isang manunulat sa patutunguhan ng liham.
5. Ito ay ang mga paggamit ng mga balbal na salita, ang hindi pagsulat ng malinis na liham, at ang hindi pagsunod sa anyo at kalikasan ng isang liham.


OP blg. 1

"Midterm Exam"

     Sa kanan at kaliwa, taas at baba, hindi mapakali ang isip sa kung ano ang dapat isulat. Tinatanong ang sarili kung ang sagot ba'y tama o mali. Kaba ang nararamdaman sa bawat kasunod na pagsusulit na sasagutan. Hindi mawari ang gagawin kasabay ng katahimikan sa isang silid-aralan na pinapasukan. Handa na nga ba ako o baka mawala bigla lahat ng inaral ko?
     Sabado, Linggo, Lunes, at Martes - apat na araw ang nagdaan ngunit parang hindi pa rin ako handa sa kinabukasan. "Midterms na naman," namutawi sa aking isip. Tatlong araw na pasakit sa utak na naiipit sa mga impormasyong iniisip. "Ang hirap naman nito," pero kapag nagsasagot sa akto ay parang dumadali lahat. Ito ay pagsusulit para patunayan na ako ay mayroong natutunan. Umiikot ang mata sa ingay na naririnig sa loob at labas ng silid-aralan. Hindi makapag-pokus sa sinasagutan dahil sa oras, kaba at gutom na nararamdaman. Ngunit ng tatlong araw ay nagdaan at natapos na ang exam, ang gaan sa pakiramdam. Makatutulog na nang mahaba at hindi na kailangang isipin ang oras kung nag-uumpisa na. Isang hakbang na naman ang nadaanan ng hindi masyadong nag-aalinlangan. Resulta na lamang ang inaantay, sana pumasa.
      Kaakibat ng hirap ang ginhawa. Ang pagpupursigi ang siyang daan para hindi kabahan sa anumang pagsusulit ang magdadaan. Dapat ay maghanda at huwag magpatalo sa kaba na nararamdaman. Isang bagay lamang ang sigurado dito na kapag ikaw ay determinado, walang imposible na ikaw ay papasa para unti-unting makamit ang pangarap mo.

OP blg. 2

"Ibang Klaseng Saya!"

      Noong Agosto 25, 2017, nangyari ang isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa buhay ko. Iyong araw na iyon ay ang kaarawan ko na siyang aking ipinagdiwang sa isang resort sa Naic, Cavite. Iyon lang kasi ang kaarawan na buo ang aking pamilya kahit hindi kasama ang aking ama dahil siya'y umalis na sa buhay namin noong bata pa kami.
       Ang lugar na ito ay sa Naic na talaga nga namang maganda at kamangha-mangha. Malayo man ang biyahe, dala ang mabibigay na bitbitin ay sulit pa din pagdating. Masayang-masaya ako noong araw na iyon dahil hindi lamang pamilya ko ang nakasama ko ngunit pati na din ang ilang kilalang artista na sumabay pa sa amin sa pagkain. Ibang klase! Puno ng tawa ang paligid at halatang masaya ang lahat. Ito din kasi ang unang kaarawan ko na ipinagdiwang. Kasabay ko din ipinagdiwang ang kaarawan ng aking lolo kung kaya't donle ang saya. Sa paligid ay puno ng bulaklak rito. Mayroon ring parang ilog na kung saan ay pwedeng mamangka. Sa bandang likod ay mayroon silang tinatawag na "Japanese Temple." Talaga namang sulit ang ibinayad sa lahat pati na sa kwartong tutulugan.
       O kay sayang balikan! Kung mabibigyan ako ng pagkakataon ay mga kaibigan ko naman ang isasama ko. Nag-uumapaw sa saya ang aking nadarama dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay noong araw na iyon. Hinding-hindi ko ito malilimutan at habang buhay ko itong papahalagahan.

OP blg, 3
"For Keeps"

      Magkakaibang magulang, kapatid ang turingan. Sabi nga nila, kapatid sa ibang nanay. Sa loob ng dalawang takn, nakabuo at nagkaroon ako ng iba't ibang barkada. Nariyan ang mga taong matagal ko ng kilala, ang "volleyball team," at ang tropa sa silid-aralan. "For keeps," na ibig sabihin ay karapat-dapat na itago. Sila yung mga tao na alam kong pang-matagalan. Ngayong malapit na magtapos ang taon sa eskwelahan, inaasahan kong sila pa din yung aking matatakbuhan at maasahan. Hiwa-hiwalay man ng paaralan, patuloy na tutuparin ang mga pangarap na pinag-usapan. Hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay ang mga tawanan at pagsasamahang pang-habang buhay.

OP blg. 4
Blk 21, Lot 17 Hauskon Homes
Julugan Tanza, Cavite
Ika-19 ng Pebrero 2018
G. CLARK WHITE
Manager
Memories Book
Binondo, Manila

Kagalang-galang na Ginoong White:
     Magandang Araw!
     Ako po si Gian Lorenz P. Muyot na nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy sa Adamson University taong 2023 na may karangalan bilang Cum Laude. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang isang accountant o anumang posisyong nauukol sa aking kurso.
      Ang pagiging working student ay aking maipagmamalaki upang makasiguro na ako po ay isang tapat, matiyaga at pursigidong empleyado. Ako rin po ay maaasahan at mapagkakatiwalaan sa anumang gawain ang ibibigay sa akin.
      Sa kasalukuyan, ako po ay naninirahan sa Blk 21 Lot 17 Jasmin St. Brgy. VI Hauskin Homes Julugan Tanza, Cavite kasama ang aking mga magulang.
      Maraming salamat po sa inyong pagtugon.
                                             Lubos na gumagalang,
Bb. Gian Lorenz P. Muyot


OP blg. 5

Gian Loren P. Muyot
Blk 21 Lot 17 Hauskon Homes
Julugan Tanza, Cavite
Email: gianlorenz.muyot@gmail.com

Edukasyon:
Adamson University - Bachelor of Science in Accountancy - Marso 2023
Saint Augustine School - Senior High School Tanza - Sekundarya - Marso 2018
Felipe G. Calderon Elementary School - Elementarya - Marso 2012

Propesyonalismong Karanasan:
Jollibee Tanza, Cavite - Cashier and Crew - 2018-2023
Her Book, Indang, Cavite - Bookkeeper Assistant - 2020-2023

Mga Layunin sa Buhay:
- Maibahagi ang aking abilidad at kasanayan sa trabaho.
- Magkarron ng isang magandang ugnayan sa aking mga katrabaho, kaibigan, kapaa, at pamilya.
- Magampanan nang maayos at mahusay ang mga tungkulin sa trabaho at magbigay ng magandang serbisyo sa kompanya.

Mga Karangalang Natamo:
- Cum Laude, 2023
- Honorable Mention, 2018
- Honorable Mention, 2016
- Honorable Mention, 2012

Mga Dinaluhang Palihan
The Accountants of Millenium - Accountancy Students Organization - Adamson University - 2022
Your Finance, Needs to be Enhance - Accountancy Students Organization - Adamson University - 2020
Hotel Management - SAS ABM Students - Island Cove Hotel - 2017
Management: Planning, Organzing, Directing, Influencing - SAS ABM Students - SAS - Senior High School - 2017 

Samahang Kinabibilangan:
- Accountancy Students's Organization
- Youth for Christ
- Miyembro, Samahan ng Kabataan tungk sa Baging Bayan

Sanggunian
Ms. Cristine Aguilera, CPA
Dean
College of Accountancy
Adamson University
Numero: 09269198753

Mr. Arnold Wright
Faculty Head
Colege of Accountancy
Adamson Unversity
Numero: 09971354567

OP blg.  6 

 Blk 21 Lot 17 Hauskon Homes
julugan, Tanza, Cavite
Ikaw-23 ng Nobyembre 2023

G. CLARK WHITE
Manager
Hard Book
Binondo, Manila

Kagalang-galang na Ginoong White:
      Magandang Araw po!
      Ako po si Gian Lorenz P. Muyot na nag-apalay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang isang accountant ay malugod na nagpapasalamat sapagkat ako po ay inying tinangggap sainyong kompanya.
      Ang inyo pong pagtanggap sa akin ay lubos na makatutulong at magsisilbing malaking biyaya na aking natanggap. Ako po ay magsisikap na mabuti at hindi po kayo magsisisi sa pagtanggap ninyo sa akin.
     Muli, maraming salamat po.
     Lubos na gumagalang,
Bb. Gian Lorenz P. Muyot

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...