RYAN

Ryan Christian Garcia
12-Abm

Journal #1

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademiko?


Lahat ng mga bagay ay may kalikasan, layunin at paraan kung paano ito makakamit o gagamitin. Ang pag-aaral ng larang akademiko ay maituturing na isang pagsulat na ginagamitan ng mataas na kaalaman at kasanayan. Maraming kailangan at dapat na alamin upang maging bihasa sa akedemikong larang.

Maraming iba't ibang anyo ng pagsulat na ginagamit sa pag-aaral ng akademikong larang, katulad na lamang ng pagsulat ng mga Abstrak, Sintesis, Bionote, Talumpati, Posisyong Papel at marami pang iba. Ang pag-aaral ng mga ito ang mga kalikasan, layunin at mga paraan kung paano ito isulat ay maituturing na malaking tulong sa pag-aaral sa iba't ibang uri ng akademikong larang. Sa pamamagitaqn ng pag-aaral nito nahahasa ang mga mag-aaral sa pagsulat ng mga pormal na sulatin na batay sa taas at antas ng kanilang pag-aaral.

Mahalaga ang naitutulong ng pagsulat hindi lamang sa akademikong larang, ito rin ay nagpapahayag ng damdamin at isipan ng manunulat. Ito rin ang nagawa ng ugnayan sa manunulat at ng kaniyang mambabasa.


Sulatin Bilang 1

Suriin at iulat ang mga detalye sa tungkol sa papel-pananaliksik ni Graziel  Ann Ruth Latiza (2015) ng Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon na may pamagat na "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas."

Pamagat: "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas"

Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza

Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon

Mahahalagang Impormasyon: Iminungkahi sa abstrak ang hindi etikal na pakikitungo ng mga doktor sa kanyang mga pasyente at maging sa kapwa propesyonal sa loob ng isang panggobyernong ospital.

Kahalagahan ng Pag-aaral: Layunin ng Awtor na ilapit ang karaniwang tao sa mga doktor at ipakita ang pagkatao nito na nagbibigay ng alanganing sitwasyon sa pangangailangang medikal ng bawat tao.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman ano pa ang pinagkaiba ng laman?
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan?

Sagot:
1. Ang abstrak na nsa libro ay tumatalakay sa hindi etikal na pakikitungo ng mga doktor sa kapwa propesyonal at mga pasyente, samantala naman ang isa ay tumatalakay sa karanasan ng isang batang ina.

2. Bukod sa nilalaman ang abstrak sa libro nagtala ng kanyang pananaliksik base sa kwento, samantalang ang isa naman ay nakabase sa ang kanyang pananaliksik sa lumabas sa "mean score" at sa lumabas na datos sa kaniyang sarvey.

3. Para sa akin mas naunawaan ko ang abstrak na nasa libro dahil mas naging detalyado ang pagkakasulat ng mga impormasyon na nakakapagbigay agad ng kaalaman sa mga mambabasa.

Note: Ang pangalawang abstrak na inihambing sa unang pananaliksik ay ang pananaliksik nila Gisella Mari A. Avelion, Florentiono L. Elic at Fernando A. Garcia (2015) ng LPU laguna Journal of Arts and Sciences na may pamagat na Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik.


Sulatin Bilang 2

Pangalan: Ryan Christian M. Garcia

Kapanganakan: May 20, 2000

Edad: 17

Kasarian: Lalaki

Magulang:
Ina: Ednaline M. Garcia
Ama: Orly S. Garcia

Tirahan: Blk 4 Lot 24 Lavnaya Phase 3, Bacao II, General Trias, Cavite

Antas ng edukasyon sa kasalukuyan: Ika-12 baitang ABM Saint Augustine School Senior High School Tanza, Cavite

Mga Asignaturang Kinawiwilihan: History, Math, English

Mga Kinahihiligang Gawain: Manood ng Anime

Mga Natatanging Kasanayan: Magaling Manghusga (Good Critic)

Pangarap na Propesyon: Accountant


Sulatin Bilang 3

1. Ano ang kahulugan ng talumpati at spoken poetry  para sa iyo?

Sagot: Ang talumapati ay isang paglalahad ng impormasyon o damdamin ng may akda sa kanyang mga mambabasa o tagapakinig. Ang spoken poetry naman ay isang madamdaming pagsasalaysay ng pananaw o isang pangyayari na nagbibigay ng makabuluhang aral sa tagapakinig.

2.Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati/spoken poetry?

Sagot: Dapat ay mabigyang-diin ang iyong mambabasa o tagapakinig, dapat ay interesado ang gagawa ng talumpati na gumawa ng talumpati. Dapat ay may sapat na kaalaman ang agagwa ng talumpati sa kaniyang paksa. Sa pagsusulat naman ng isang spoken poetry dapat ay binibigyang-diin ang "intonation" sa pagasasalita.

3.Bakit dapat isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumapti at paglalahad ng spoken poetry?

Sagot: Dahil mayroong iba't-ibang uri ng tao na maaring bumasa o makinig sa nagtatalumpati. Maaring may kondisyon tagapakinig at hindi niya maaring maintindihan ang ibang salita o maaring may kasalungat na pananw ang tagapakinig sa ideya iyong iminumungkahi sa iyong talumpati. Dahil sila rin ang magiging sentro ng iyong pagsasalaysay sila ang makakakuha ng damdamin na inilathala sa iyong spoken poetry.

4.Anong uri ng talumapati ang nabasang teksto? Anong uri ng spoken poetry ang iyong napakinggan?

Sagot: Ang Talumpati ay isang uri impormatibong uri ng talumpati o mapanghikayat na talumpati, dahil ang nagtatalumpati ay nagbibigay ng impormasyon at naghihikayat na maging makabayan. Ang spoken poetry na napakinggan ay isang madamdaming uri na kung saan ang nagsasalita ay nabibigay inpormasyon.

5. Paano masisiguro ng isang mananalumpati/ nagsasagawa ng isang spoken poetry na napupukaw niya ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig?

Sagot: Dapat ay napukaw ng mananalumpati at ng nagsasalita ng spoken poetry ang atensyon ng mga tagapakinig sa simula pa lamang ng talumpati. Dapat ay mabigyang-diin din nila ang mga salitang nais nilang ipahiwatig sa kanilang mga tagapakinig.



Sulatin Bilang 4


Surrin mo na:

1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay s aiyong sariling pag-unawa?

Ang posisyong papel ay isang sulatin kung saan ang manunulat ay may pinapanigan sa isang bagay.

2. Bakit Mahalaga ang pagtatalaga ng mga argumento sa pasulat ng posisyong papel?

Upang magkaroon ng malinaw na pagpapahiwatig ang manunulat tungkol sa kaniyang pinaglalaban.

3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?

Paksa, Argumento, Ebidensiya, mahahalaga ang mga ito dahil ito ang nagpapatatag sa ipinaglalaban ng manunulat.

4. Ano-ano ang nililinang na ksanayan sa pagsulat ng posisyong papel?

Nagiging bihasa ang manunulat sa pagsulat at paglalaban ng kanyang alam.

5. Mahahalagang bang isaalang-alang ang mga babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?

Mahalaga ito dahil sila ang mga taong nais mong kumbinsihin na pumanig sa nalalaman mo.

Isabuhay mo na:

1.Ano ang isyung binigyang-diin sa posisyong papel?

Ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at pagiging "mandatory course" sa kolehiyo.

2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?

Inilahad niya ang kanyang opinyon sa mahinahon na pamamaraan, binaggit niya ang mga positibong ideya sa mahinahong paraan.

3. Paano inilatag ang mga ebidensiya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?

Ipinalatag ng mga manunulat ang kaniyang ebidensiya ng nka sa ayon sa kronolohikal na ayos. Ito ang pagpapakilala ng lubusan sa lahi, pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba at kultura ng bansa.

4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel? 

Naniniwala amg manunulat na dapat gawing wikang panturo ang Filipino hindi lamang sa institusyon pati sa mga rehiyong nasasakupan ng Pilipinas.

5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

Dapat ay gamitin ang wikang Filipino bilang panturo sa mga assignaturang may kinalaman sa Filipino lamang.


Sulatin Bilang 5

Paano mo panindigan ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon:

1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napakamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.

Una sa lahat, kahit ituro nila ako, wala silang patunay, at wala akong rason para dulasin ka dahil wala akong pakialam sayo.

2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo, iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.

Una, ako ang nakapulot kahit naiinis ka sa akin ginawa ko paring iabot sayo dahil nagmamagandang-loob ako, dahil kung hindi ako naawa sayo hindi ko na sinauli ang wallet mo.

3. Ang iyong ama ay dating meyor ng inyong bayan na nasangkot sa graft & corruption kaya ng ikaw ay kumandidato bilang kapitan sa iyong komunidad ay inaakusahan ka na isang magnanakaw.

Una sa lahat hindi namamana ang pagiging magnanakaw kahit naging magnanakaw ang aking ama, ako ay naiiba at nais ko lamang na makag-silbi.

Journal # 2


Makabagong Metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa Kolehiya ng mga mag-aaral  sa Pasig Catholic College

Abstrak

          Ang mananliksik ay nagkaroon ng ideya upang  pag-aralan ang mga makabagong metodolohiya ng pagtuturo sa Filipino dahil ayon sa kanila, tinatamad at hindi natututo ang mga mag-aaral gayong ito ay itinuturo sa sariling wika. Gumamit ng paraang paglalarawan at ng survey na pamamaraan na kung saan dalawampu sa mga mag-aaral ng kanilang departento ang tumogon sa pananaliksik na ito. Sa mga pinagpilian na metodolohiya, anim dito ang nakakuha ng mataas na bahagdan, ito ay ang integrasyon, aktibidad, demonstrasyon, talakayan, indaktiv at dedaktiv at lektyur. Ang lumabas na resulata ay base sa interes ng kanyang mga mag-aaral upang mas matuto sa pag-aaral ng Filipino at ibigay ito sa kanyang mga guro at tagapamahala upang mabigyan sila ng kaalaman ukol dito.

Journal # 3

Titser Annie

                  Mga bangin, bundok at labing-anim na ilog ang linggo-linggo na tinatawid ni Titser Annie Magsongsong marating lamang ang Sitio Labo na matatagpuan sa masukal at tagong parte ng Mindoro. Ang mga grupo ng mga Mangyan ang tinuturuan ni Tiser Annie s isang maliit na silid-aralan. Isa si Gng. Lea Baldo sa tinuturun niya, ayon sa ginang, nais niyang matutuo upang hindi mauto. Isa ri si Dina sa mga tinituruan niya, sa edad na Dalawampu ngayon lamang siya nag-aaral dahil rin sa kailangan niya magtrabaho upang mabilhan ng gamot ang kanyang ina.

                 Ayon kay Titser Annie, sinabihan siya na pwede na siyang magturo sa kapatagan, sa isang normal na paaralan, ngunit natagpuan niya ang kaligayahan ng pagtuturo sa mga Mangyan ng Sitio Labo at mas pinili niya magturo roon.

Journal # 4

Kasaysayan ng Saint Augustine School

      Itinatag noong  Pebrero 14, 1969 ng pari ng parokya noon na si Monsignor Francisco V. Domingo ang paaralang San Agustin, ipinangalan ito sa patron ng parokya na si San Agustin o mas kilalang si "Tata Usteng."
      
      Ito ay pormal na nagbukas noong Hunyo ng taong din iyon at ipinaubaya ang sistema ng pagtuturo sa ilalim ng Dela Salle University. Mula sa 44 na estudyante at 2 guro, naging matagumpay ang mga sumunod na taon. Matapos ang unang taon ang pangunahing gusali ay itinayo at isa pang gusali noong 1972. 

    Marami na ang naging punongb guro ng paaralan mula kay Sr. Gabutina hanggang sa kasalukuyang punong guro na si Ms. Mercedita Pacumio. Maging sa mga direktor naman sa kasalukuyan si Fr. Alain P. Manalo ang nagsisilbing direktor ng paaralan. Iba't-ibang parangal at pagkilala  ang natanggap ng paaralan mula sa mga prestiryosong organisasyon at noong 2015 ay nagbukas ng bagong gusali ang paaralan para sa "Senior High School" sa sumunod na taon. 

Journal # 5

Bionote

   Si Ryan Christian M. Garcia ay ipina nganak nong ika-20 ng Mayo Dalawang Libo. Sa kasalukuyan siya ay labing pitong taong gulang at kasalukuyang nasa Ika-12 baitang sa seksyon ng ABM  sa paaralan ng San Agustin sa Tanza, Cavite. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa BLK 4 LOT 24 Lavanya PH. 3, Bacao 2, Gen. Trias, Cavite, kasama ng kanyang mga magulang na sina Ednaline M. Garcia at Orly S. GArcia kasama rin ang kanyang kapatid na si Alyssa Mae M. Garcia. 

  Mahilig si Ryan sa mga assignaturang Math, English at History, Paborito rin iya magbasa ng mga libro na may kinalaman sa mitolohiya ng Greece. Magaling humusga (Critic) si Ryan ng mga pilikula, marunong siyang timingin ng kalidad ng isang pilikula.

  Nais niya na maging isang accountant at makagawa ng "cafe" kasama ang kanyang mga kaibigan sa hinaharap.

Talumpati

Sabi Nila

Sabi nila, ang pag-ibig, sasaktan ka lang niyan, lolokohin ka niyan, 
magsasawa rin yan sayo, magpapaka-tanga ka lang diyan at iiwan karin niyan, sayang.
Kaya nabuo ang konsepto na "Love Hurts"
ngunit ang hindi natin alam ang pagbibintang natinsa "love" bilang isang bagay na nakakasakit 
at mali.

Sabi ni Liam Neeson, "Ang pag-ibig ay ang natatanging bagay sa mundong ito na nagbibigay proteksyon sa lahat ng mga sakit.
Masakit ipagtabuyan, Masakit mawalan ng mahal sa buhay, Masakit maging mag-isa."
Mali ang intindi natin sa konsepto ng pag-ibig  dahil sa katotohanan ang pag-ibig ang natatanging bagay sa mundong ito ma himdi ka sasaktan.

Kaya ang mga kalokohang masakit magmahal ay hindi toto, masarap mabuhay sa mundo na puno ng pagmamahalan kaya naman wag ka matakot magmahal.

Editoryal Cartoon

Isyu: Ang kamangmangan ng mga driver sa mga batas sa kalsada

      Malimit magkaroon ng mga aksidente sa kalsada, may nakakabangga, may nakakaptayng mga "pedestrian," ito ay dahil sa kamangmangan ng mga driver. Nagiging mang-mang ang mga tsuper natin sa kalsada dahil narin sa kawalan ng gana nila na mag-aral para sa mga batas, na basta may lisensya ka at kaya mong magmaneho ay pwede mo na imaneho ang iyong sasakyan sa mapangahas na kalsada. Dapat ay mas maging strikto ang mga opisyal ng ating gobyerno na mas bigyang pansin ang pagpapalaganap sa mga tsuper ng mga batas ukol sa pagmamaneho.

OP # 1 (Finals)
Replektibong Sanaysay


       Bihira sa buhay ng isang mag-aaral ang mawalan ng isang kaibigan. Hindi dahil kayo ay nag-away o sadyang nakahanap siya ng bagong kaibigan. Ito ay dahil hindi ko na siya nakakasama.

        Magkaibigan kami ng mahigit tatlong taon, magkakatropa at sabay lagi umuuwi. Dumating ang taon na nasa ika-11 na baitang na kami at sa awa ng diyos kasama ko parin siya. Nakahanap siya ng mga bagong kaibigan, parehas lang kami dumating sa punto na sila na ang kasama niya sa mga proyekto at iba pang gawain. Ayos lang masaya din naman ako sa mga bago kong kaibigan at pati rin sa kanya. Ikalawang semester, dumalang ang kanyang pagpasok, kahit ang aming guro hindi alam kung nakit. Isang araw nalaman namin na may sakit ka sa bato sabi ko, "ahh jusko yun lang naman pala , okay lang yan." Yung akala naming simpleng sakit malubha na pala, nalaman nalang namin na pasuko ka na sa buhay. Pinilit ko, ginawa ko lahat mabisita ka lang sa ospital, hindi lang ako umabot. Sumuko ka na.

       Bihira sa buhay ng isang mag-aaral ang mamatayan ng isang kaibigan. Kaibigan na naging kasama mo sa matagal na panahon.

OP # 2
Lakbay Sanaysay 

       Noong September 2017 kami ay nagpuntan sa MIBF o "Manila International Book Fair na ginaganap kada taon upang mabigyan ang mga taong mahilig magbasa ng libro na makabili ng libro sa murang halaga hindi katulad ng orihinal na presyo nito.

         Maaga pa lamang ay nagkita na kami ng aming kaibigan sa sakayan papuntang MOA, masikip ngunit malamig naman ang pakiramdam sa loob ng van. Pero kahit na maaga kaming umalis pagdating namin ay mahaba na agad ang pila, halos nasa likod na ng establishimento ang dulo ng pila papasok ng SMX Convention Center. Halos dalawang oras din kaming pumila makapasok lamang sa loob, pagpasok namin sinalubong kami ng malamig na hangin at ng di mabilang na dami ng libro sa sobrang dami hindi namin alam kung saan hahanapin ang librong nais naming bilhin. Kulang ang isang araw para tignan ang lahat ng libro sa una at ikalawang pala[ag ng book fair.

         Pagod, uhaw, gutom, halos mahimatay sa loob kakahanap ng isang librong gusto ko bilhin. Sa huli dalawa lamang sa aking mga kaibigan ang nakabili ng libro na gusto nila, pero masaya naman at makikita sa mukha hindi lamang ng mga kaibigan ko pati rin sa ibang mamimili na hindi sayang pawis at pagod nila makbili lamang ng gusto nilang libro.

OP # 3
Pictorial Essay

"PINTO"

 Maraming pinto ang maari nating pasukan sa buhay at ang isa sa mga ito ang magdadala sayo sa tagumpay, ngunit kailangan natin ng susi upang mabuksan ang pintong ito, susi na pinaghihirapan natin makamit kasama ang ating mga kaibigan na tutulong sa atin sa pagbukas ng pinto at nagpapatatag sa atin kagaya ng isang puno.


OP # 4
Application Letter
Blk 4 Lot 24 Lavanya Ph. 3
Bacao 2, Gen. Trias, Cavite
Ika- 19 ng Pebrero 2018     

Gng. Rowena Ocasion
Assistant Principal
Saint Augustine School - Senior High School 
Tanza, Cavite

Mahal na Ginang Ocasion:
  
       Pagbati!

       Ako po si Ryan CHristian M. Garcia na nagtapos ng Bachelor of Science Major in Accountancy sa Unibersida ng Santo Tomas taong 2023. Nais ko po sanang mag-apply ng trabaho sa inyong mabuting paaralan bilang isang guro ng ABM.

       Ang pagiging matiyaga ko ay magiging sandta ko upang gawin ang aking responsibilidad bilang isang guro sa paaralang tinuring ko na pangalawang bahay sa loob ng labingtatlong taon.

       Sa kasalukuyan, ako po ay nakatira kasama ng aking pamilya sa Blk. 4 Lot 24 Lavanya Ph.3 Bacao 2, Gen. Trias, Cavite. 

       Maraming salamat po sa inyong pagtugon!

Lubos na gumagalang, 

G. Ryan Garcia        


 OP # 5
Resume

Ryan Christian M. Garcia
Blk. 4 Lot 24 Lavanya Phase 3 
Bacao 2 Gen. Trias, Cavite
E-mail: garcia20.ryan@gamil.com

Edukasyon
Institusyon                               Tinapos                                                                  Petsa
Unbesidad ng Santo Tomas      Bachelor of Science Major in Accountancy           Marso 2023
                                                  Major in Accountancy

SAS - Senior High School        Sekundarya                                                             Marso 2018
Senior High School

Saint Augustine School            Elementarya                                                             Marso 2012

Propesyonalismong Karanasan
Institusyon                                                         Posisyon                             Petsa
Tanza National Comprehensive High School    Guro                                    2017-2018


Mga Layunin sa Buhay
  • Magawa nang maayos ang trabaho hindi lamang sa pagtuturo sa mga estudyante pati narin ang kapakanan nila ay maayos.
  • Magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga kapwa gruo at mga estudyante.

Mga Karangalang Natamo
  • Cum Laude, 2023
  • Best in Depoirtment, 2016
 
Mga Dinaluhang Palihan
Pamagat                               Organisasyon                  Pinagdausan                      Taon
Hotel Management               SAS ABM 11 Students     Island Cove Hotel               2017

Management:                        SAS ABM 11 Students     SAS Senior High School    2017
Planning 
Organizing
Directing &
Controlling   

Samahang Kinabibilangan
  • Parish Youth Ministry
Sanggunian
Mrs. Arlene Grepo
Guro
Our Lady of the Holy Rosary School
Numero: 09369183667

Mrs. Cleotilda De Quiroz
Principal
St. Therese of the Child Jesus Schoo;
Numero: 09218175417


OP # 6
Liham Pasasalamat

                                                           Blk. 4 Lot 24 Lavanya Phase 3               
             Bacao 1 Gen. Trias, Cavite                     
          Marso 1, 2023                                         
Gng. Rowena G. Ocasion
Assistant Principal
Saint Augustine School -Senior High School

Mahal na Gng. Ocasion:

   Ako po si Ryan Christian M. Garcia na gustong pumasok sa inyong paaralan ay nagpapasalamat at tinanggap niyo ang aking aplikasyon.

   Ako po ay lubos na nagpapasalamat dahil matagal ko nang pinapangarap na magtrabaho sa inyong paaralan.

   Umaasa po ako na makakapagsimula na po ako agad sa aking pinasukang trabaho. 


Lubos na Gumagalang,                          
   
Ryan Christian M. Garcia                      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...