SHEELA

Journal Bilang 1

           Upang maging maganda at makabuluhan ang "output" nang isang mag-aaral, mahalaga na matutunan niya ang kalikasan at layunin ng akademikong pagsulat. Sapagkat, ito rin at nakatutulong upang mahasa tayo sa paggawa nang sulatin ng malinaw at maayos.
           Magiging makabuluhan ang impormasyon na ating maibibigay sa mambabasa nang ating sulatin. Mahalaga rin na mayroon tayong sapat na kaalaman sa kalikasan at layunin sapagkat nakatutulong ito upang maging malinaw sa atin kung ano ang mga dapat nating iwasan kapag tayo ay nagsusulat ng isang sulatin. Dapat ang ating sulatin ay may pormal na pananalita para lalong maintindihan nang mambabasa ang impormasyon na nais niyang malaman. Mahalaga rin na malaman natin na dapat marunong ratong mangalap ng impormasyon na ating kinakailangam sa pagsusuri ng sa gayon ay mas lumawak pa ang ating kaalaman sa sulatin na ating ginagawa at nakatutulong din ito upang madagdagan ang impormasyon na ating ginagawa. Nakatutulong din ang layunin ng pagsulat upang maiwasan natin ang pangongopya ng impormasyon ng iba o plagiarism sa pamamagitan ng bibigay pagkilala sa awtor nang impormasyon na iyong kinuhanan.
           Hindi sapat na alam lang matin ang kalikasan at layunin bg akademikong pagsulat, dapat marunong din natin itong intindihin upang maisagawa natin ng maayos ang ating sulatin.


-Legaspi, S.


Sulatin Bilang 1

Pamagat ng Paksa: Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon
Mahalagang Impormasyon ng Pag-aaral:
Sa pag-aaral na ito ay tinutukan ang proseso ng paghahanap ng koneksyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksiyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag. Sinusubukan ng awtor ang paggamit sa nabanggit na limitasyon bilang kalakasan upang ilapit sa karaniwang tao ang doktor at ipakita ang pagkatao nito.
Kahalagahan ng Pag-aaral:
Sinuong ng awtor ang usapin na ito bilang pagsubok sa pagbibigay-pugay rin sa mga doktor na naniniwala parin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin higit sa lahat sa pamamagitan ng panitikan ang itinuturing na katibayan ng kultura na gumagayaman sa pagdaan ng panahon.

1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
-Ang abstrak na nasa libro ay tungkol sa hindi etikal na gawain ng mga doktor sa pasyente at maging sa mga kasamahan nila na may propesyon samantala ang isa naman ay tungkol sa mga karanasan ng pagiging batang-ina.
2. Bukod sa nalalaman, ano pa ang kanilang pagkakaiba?
- Ang abstrak ng libro ay idinaan ng awtor ang pananaliksik sa pagbibigay ng halimbawa at totoong kuwento, samantapa ang isa naman ay idinaan sa pagbibigay ng survey.
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naintindihan?
-Mas naiintindihan ko ang abstrak sa libro dahil kahit ito ay mahaba, madali itong intindihin at detalyado.

Sulatin #2
Pangalan: Sheela Mae P. Legaspi Kapanganakan: Setyember 20, 1999 Edad: 18 taong gulang Kasarian: Babae Magulang: Ina: Mirasol P. Legaspi Ama: Rodelio C. Legaspi Tirahan: 053 San Gabriel Subdivision, Soriano Hi-way Daang Amaya 1, Tanza, Cavite Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan: (Grado at Pangalan ng Paaralan) Grade 12 sa Paaralang San Agustin Senior Highschool Mga Asignaturang Kinawiwilihan: Matematika, Accounting, Business Math, Finance, at lahat ng mga asignaturang tungkol sa Business. Mga Kinahihiligang Gawin: Kumain at manuod ng mga video tungkol sa musika at mga sayaw. Mga Natatanging Kasanayan: Kumanta, magpatugtog ng flute Pangarap na Propesyon: Maging isang propesyonal na accountant o bank manager


Sulatin #3 TALUMPATI
1. Ano ang kahulugan ng talumpati para sayo?
- Ang talumpati ay isang pagsasalita kung saan puwede kang magbigay ng impormasyon, magbigay-aliw, o manghikayat nang mambabansa ayonsa piyesang iyong ginawa. Katulad na lamang nang nasa video, kung saansiya ay nanalumpayi para sa pagiging isang tunay na Pilipino at para sa mga Pilipino na iahon ang bansa at kahirapan.
2. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati?
- Kinakailangan na maintindihan ng mga tagapakinig ang nais mong iparating sa kanila at dapat mayroon kang layunin kung bakit ka nananalumpati.
3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati?
- Kasi ang mga tagapakinig ang susuri sa iyong piyesa at sila rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ka mananalumpati.
4. Anong uri ng talumpati ang binasang teksto?
- Ang uri ng talumpati na aming napanuod at isang Isinaulong Teskto kung saan walang binabasa ang nananalumpati at nabigyan ng oras upang makapag-isip at maisulat ang ideya ukol sa paksa na ibinigay.
5. Paanong masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig?
- Kapag nagawa na ng nananalumpati ang kanyang layunin at lubos itong naiintindihan ng mga tagapakinig at nagiging mas interesado ang mga tagapakinig sa talumpati.

SPOKEN POETRY
1. Ano ang kahulugan ng spoken poetry para sayo?
- Base sa video na aming napanuod, ang spoken poetry ay isang pagsasalita kung saan nagku-kwento ka ng isang karanasan upang mailabas ang iyong nararamdaman.
2. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati?
- Dapat galing sa puso at dapat magaling ka magsalita upang mas madama ng mga tagapakinig ang iyong kwento.
3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati?
- Kasi sila ang mga tao na handa mong labasan ng iyong damdamin at sila ang dauilan kung bakit ginusto mong mag-spoken poetry.
4. Anong uri ng spoken poetry ang binasang teksto?
- Ang spoken poetry na napanuod ay isinaulong spoken poetry.
5. Paanong masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya amg damdamin ng kanyang mga tagapakinig?
- Kapag nadadama ng mga tagapakinig ang iyong kuwento o minsan ay makikita mo sa kanila ang iyong emosyon na kanila ring nararamdaman.

Sulatin #4
Suriin Mo Na
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
- Ang posisyong papel ay isang sulatin kung saan gumagawa kanng sanaysay ukol sa isang isyu. Mahalagang nalalaman ng mga mambabasa na mayroon kang pinapanigan sa isyu na napili. Halimbawa, may isnag isyu sa bansa, gagawa ka ng sanaysay at dapat makita nila kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa isyu na iyon.
2. Bakit mahalaga ang paglalatah ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
- Dahil isa sa mga layunin ng posisyong papel at makapagbigay ng sariling opinyon ang manunulat.
 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat mg posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
- Nararapat na mayroon kang paksa, dapat ikaw at interesado sa paksa na iyong napili para malaman mo o maipaglaban mo ang nilalaman ng iyong sulatin. Pangalawa ay ang argumento, dito ka pipili kung ikaw ha ay sang-ayon o hindi sa paksa o isyu na iyong napili. Pangatlo, ay iyong "claims", dito nalalaman ang rason kung bakit mo na ang napili argumento mo. At pang-apat, ang ebidensya kung saan mas lalonh mapagtitibay at makakapagpatunay sa argumentong iyong napili.
4. Anu-ano ang nililinang na kasanatan sa pagsulat ng posisyong papel?
- Sa pagsusulat ng posisyong papel dapat kapag ang manunulat ay pipili ng isang paksa, dapat siya ay interesado sa napiling paksa para mas alam niya kung paano niya maisusulat ng maayos ang kaniyang opinyon. Dapat rin mayroon siyang mga ebidensya na susuporta at makakapagpatibay ng kaniyang argumento. Dapat rin na mag balangkas muna siya para malaman niya ang mga dapat baguhin sa naisulat niya. Sa paggawa ng posisyong papel dapat mayroon itong patutunguhan.
5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
- Oo, dahil isa sa mga layunin ng posisyong papel ay makapagpabigay ka ng sariling opinyon at para malaman nila o makapagpabigay ideya tungkol sa sulatin.
 Isabuhay Mo Na
1. Ano ang isyung binubigyang-diin sa posisyong papel?
- Ang binibigyang-diin dito at ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.
2. Paano inilahad ang opinyon ng posisyong papel?
- Inilahad niya kung bakit dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at bakit dapat magkaroonnng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo. Nilahad rin niya ang kanyang opinyon batay sa isyu.
3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Anu-ano ang mga ito?
- Inilahad niya kung bakit at kung paano nakakatulong ang mga ito sa isyu. Inilahad rin nita ang mga problema kung bakit ito kailangan.
 4. Ano nag naging kongklusyon sa posisyong papel?
- Sinulat niya ang punto ng kaniyang opinyon.
5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?
- Sang-ayon ako sa nagsulat sapagkat mas kailangan nating mga Pilipinonang pagkilala sa wika. Napansin oo rin kasi na maraming taong Pilipino ang hindi 0a pamilyar at patuloy na nalilito sa tamang pag-ayos ng mga letra.
Sulatin #5
Simulan Mo Na
Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon?
1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong giro kaya ikaw at napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.

- Sasabihin ko sa aking guro na hindi aoo ang nagtapon at wala siyang sapat na ebidensya na ako ang nagtapon ng balat ng saging. Sasabihin ko rin na hindi ako kumain ng saging at sasabihin oo kung sino ang aking kasama at kung ano ang ginagawa ko sa oras na sinabing nagtapon ako ng balat ng saging.

2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha sa wallet niya.

-Sasabihin ko lang sa kanya na kung akobang kumuha ng wallet niya, hindi ko ito ibabalik sa kanya at sana kulang na ang pera na nasa wallet nya.

3. Ang iyong ama at dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay kumandidato bilang kapitan sa iyong komunidad at inaakusahan ka na isang magnanakaw.


- Hindi ako magpapaapekto sa kanilang mga sinasabi ngunit bilang nangangandidato, gagawin ko ang lahat upang makuha ang kanilang tiwala sa pagpapakita ko ng aking tunay na pagkatao.
-Legaspi, S.

OP #2 IMPORMATIBO

Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pinagdadaanan ng mga batang-ina ayon sa emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal, at sosyal. Sumasailalim sa quantitative method kung saan gumagamit mh surbey na metodo na nakalahad kung maaari nilang sagutan ang lahat ng mga tanong sa survey questionnaire. Ang pananaliksik na iyo ay isinagawa sa Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna kung saan mayroong pinakamaraming bilang ng mga dalagang nagbuntis ng maaga. Ang mga piniliping respondente ng mga awtor ay ang mga batang-ina na labindalawa hanggang labing walong gulang dahil ito ay naaangkop sa kanilang pag-aaral, ang mga napiling respondente ang mga napili dahil sila ang nakakaalam kung ano nga ba ang mga nararanasan ng mga batang-ina, at upang malaman ang mga pinagdadaanan nila sa buhay may anak sa murang-edad.


OP #3 Kronolohikal

"Titser Annie"


Hindi akalain na sa kabila ng maayos na buhay ay nakararanas si Titser Annie na dumaan sa maputik, mabangin, at madaming ilog upang makarating sa paaralan. Labing-apat na taon ng nagtuturo sa pampribadong paaralan ngunit siya ay inatasan na magturo sa Sityo Labo. Isangvoras na paglalakad sa sunud-sunod na labing-anim na ilog ang kanilang nilakad nang makasabay nila ang mga batang mangyan. Makalipas ang isang oras ay natanaw na nila ang komunidad ng mga katutubong mangya. Ang mga batang mangyan ay hindi nagsisimulang kumain hangga't walang pagkain ang lahat at dito rin natagpuan ni Titser Annie ang biyaya ng pagbibigayan. Bago mayapos ang araw ay tinuturuan din ni Titser Annie at Titser Kristel ang mga matatandang hindi marunong magbasa at magsulat upang matulungan din nila ang kanilang mga anak.

Noong una na sabihin sa kanya na dito siya magtuturo ay pinangunahan ei Titser Annie ng takot at kaba sa mga batang mabgyan ngunit matapos ang panahon ay unti-unti na rin niya itong tinanggap. Napansin nila ang isang babae sa kinde4 at siya ay si Dina na dalawampung taong gulang. Ngunit hindi pa tapos ang klaee ay bigla na lamang siyang umalis sa klase at natagpuan sa loob ng bahay ng kubo. Dalawang taon na palang may sakit ang nanay ni Dina at siya ang tumayo na ama at ina nang pumanaw ang kaniyang ama. Tatlong araw lamang sa isang linggo napasok si Dina sa klase dahil mayroon siyang trabaho sa sagingan. Dalawang oras na naglalakad si Dina sa katapatan ng araw upang makarating sa kamalig kung saan niya dadalhin ang mga saging. Sa loob ng dalawang oras na paglalakad at sa kabila ng paghihirap niyang maglakad ng nakapaa, ang kinikita niya lamang ay isang daan at apat na pu't apat na piso. Isang oras bago siya makaraying sa botika na pinakamalapit ngunit konting gamot lamang ang kaniyang nabilisa perang kinita niya. Minsan at tinutulungan siya ni Titser Annie sa pagbili ng gamot para sa kanyang ina.

Dumating ang araw na binigyan na si Titser Annie na makapagturo sa maayos na paaralan na mas maayos ang its7ra ng mga bata. Ngunit hindi ito tinanggap ni Titser Annie dahil iniintindi niya ang mga batang mangyan at napalapit na rin siya sa mga ito. Doon din nalaman ni Titser Annie na mahirap man sa salapi ang mga mangyan, mayaman naman sila sa malasakit.

OP #4 Kronolohikal

"Kasaysayan ng Paaralang San Agustin"

Ang paaralang San Agustin o Saint Augustine School at nanggaling sa Patrong Santo ng Bayan ng tanza na si Saan Agustin o Saint Augustine na mas kilala bilang "Tata Usteng". Ito ay natagpuan noong ika-14 ng Pebrero taong 1969 ni Masignor Francisco V. Domingo, ang pari ng bayan noong panahon na iyon. Ito ay isang Katolikong pampaaralan para sa mga kabataan. Binuksan ang paaralan noong Hunyo taong 1969 na nag-alo ng kinder at grade 1 lamang. Ang unang punong-guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na nagsilbin ng dalawang taon bago siya palitan ni Sr. Clemencia Ranin.

Ang sistema ng edukasyon ng SAS ay nasa ilalim nang pangangalaga ng De LaSalle. Mula sa apat na pu't apat na estudyante at dalawang guro, mas nakita ang tagumpay ng paaralan sa loob ng isnag taon kaya mas lalong dumami ang estudyante at mga guro. Matapos ang isang taon, ang pang-elementaryang building ay itinayo sa gilid ng simbahan. At noong 1971, panibagong building nanaman ang itinayo para sa mga highschool. Ang lahat ng ito ay natapos noong 1972 kasabay ang pagtayo ng basketball court. Makalipas ang maraming taon, nang magkaroon ng k to 12 ay panibagong mga silid-aralan nanaman ang itinayo sa Daang Amaya III Tanza, Cavite at binuksan noong Hunyo taong 2016 para sa mga grade 11 at 12 at tinawag itong St. Augustine School Senior Highschool.

Malayo na rin ang narating ng paaralang San Agustin kung saan marami-rami na din ang natatanggap na karangalan. Naging matagumpay ito sa tulong ng mga administrators at mahabang daan pa ang tatahakin at maraming pagsubok pa ang makakaharap para maging matagumpay pa at upang lumaki pa ang pamilya ng St. Augustine School.

OP #5 BIONOTE
Si Sheela Mae P. Legaspi ay nakatira sa Tanza, Cavite at ipinanganak noong ika-20 ng Setyembre taong 1999. Ang kanyang mga magulang at sina Mirasol Legaspi at Rodelio Legaspi. Siya ay nag-aaral sa paaralang San Agustin bilang ABM Student. Pangarap niyang maging Accountant o isang propesyonal na bank manager pagdating ng panahon.

Sa murang edad na pito, siya ay nakatanggap ng karangalan bilang Top 3 sa kanilang klase. Naturingan din siyang "Huwarang Mag-aaral" noong siya ay Grade 4 at Grade 5. Nagbunga rin ang kaniyang kasipagan sa pag-aaral nang siya ay maging top 3 noong siya ay Grade 8 at naging pangalawa sa Histo Quiz noong Grade 8. Nang siya ay tumungtong sa Senior HighSchool, naging mas masipag at nagpursigi pa siya sa pag-aaral at nakatanggap ng "Bronze Medal", naging bronze awardee uli sila noong unang sem ng Grade 12.

OP #6 SPOKEN POETRY

"Pagsasamahang Hindi Mapapantayan"

Ang aking buhay na walang kakulay-kulay
Ay bigla ninyong binuhay
Para patunayan na hindi man mayaman,
Mayaman naman sa kaibigan.

Kaibigan,
Kaibigan ang aking pinanghahawakan
Sa lahat ng problema at kalokohan
Sa oras na nangangailangan ay parating andyan,
Laging pinararamdam na ako ay hinding-hindi iiwan.

At kahit na nagkaroon ng alitan,
Hindi pa rin nag-iiwanan
Ang mga nawawala ay hinahanap
At hawak-kamay na hinaharap
Ang mga pagsubok na nagaganap.

Kahit na sila'y parang bugwit
At lagi akong binubuysit,
Kinukulit, at parang sirang plakang paulit-ulit
Sa kanilang mga paalala,
Hindi na ako mag-aalala
Dahil kahit ganito sila,
Alam ko, ramdam ko na ako'y mahalaga sa kanila.

Panahon man ay magbago
Ang pagmamahal ko ay hinding-hindi maglalaho
Hindi na baling magkalayo-layo
Sama-sama pa rin tayong lilipad hanggang dulo
At sa puso ko, kayo ay laging andito
Ang tunay na kasiyahan ay aking naramdaman
Sa pagsasamahang hindi mapapantayan.

OP #7 EDITORIAL ESSAY

Ang editorial cartoon na binibigyang-diin ay tungkol sa EJK o tinatawag na Extra-Judicial Killing na ipinatupad ng bagong pangulo ng bansa ng Pilipinas na si President Rodrigo Duterte. Ang extra-judicial killing ay isang proseso kung saan pinapatay ang mga taong nasasangkot sa droga.

Sa kabila ng prosesong ito, maraming inosenteng tao ang nawawalan ng buhay dahil sa maling pagbintang. Para sa akin, ito ay hindi dapat ipinatupad sapagkat maraming pamilya ang nasisira ng dahil dito. May mga taong magulang ang namamatay kung kaya't naapektuhan ang kanilang anak. Ang ano mang uri ng pagpatay ay isang kasalanan dahil ito ay nasa sampung utos ng Diyos. Kahit may kasalanan o wala ang isang tao, hindi pa rin nararapat na kunin ang buhay ng isang tao.

Ang buhay ay dapat pahalagahan ng bawat tao sapagkat walang sino man ang puwedeng tumapos ng buhay kundi ang Diyos lamang. Maraming dahilan para mabawasan ang makasalanang tao ngunit hindi sa pamamaraan ng pagpatay.


FINALS

OP#1 ( Replektibong Sanaysay)

"Karanasan Bilang Mag-aaral"

Mahirap maging estudyante, aral dito, aral doon, gawa ng mga proyektong ipinapagawa ng mga guro kahit 'yung iba ay hindi naman konektado sa kanilang asignatura, sulat dito, at sulat doon. Minsan, nakakabaliw talaga maging isang estudyante. Subalit, sabi nga nila, sa buhay daw ay isa sa mga gusto mong balikan kapag matanda ka na ay maging isang estudyante. Sapagkat, ito ay masaya at magagawa mo ang mga bagay na minsan mo lang magagawa sa buhay mo.

Masaya maging estudyante, kahit puro aral at tipong masisiraan ka na ng ulo kakaaral masaya pandin maging estudyante. Bakit? Kasi ako, isa talaga akong bata na sobrang pasaway at walang pakialam sa mga taong nasa pakigid ko. Subalit, noong ako pumasok sa eskwela at habang lumilipas ang panahon, masaya. Masaya maging estudyante lalo na kapag kasama mo ang mga kaibigan at kaklase mo sa kalokohan. Iyong tipong sabay-sabay kqyong magdadaldalan kapag wala ang guro, iyong tipong mayroon kayong isang guro na ginagaya at kinaiinisan. At kahit na minsan ay nagkakatalo-talo, isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang pagiging estudyante, dahil lahat ng iyon ay dahil sa aking mga kaklase. Tinuruan nila ako maging masaya at tinuruan kung paano maging magpasensya at intindihin ang ugali ng bawat isa. Isa sa mga hindi ko makakalimutan at natatangi kong karanasan ay maging masaya sa tulong ng aking mga kaklase.

Marahil nakakabaliw ang pagiging isang mag-aaral, ngunit ang iyong mga kamag-aral ang magtuturo at sa kanila ka makakakuha ng mga magandang aral para sa maisaayos ang iyong sarili.


OP #2 (Lakbay-Sanaysay)

"Paglakbay sa gitna ng dagat"




Noong Abril taong 2017, napagpasyahan nang aming pamilya na puntahan ang aming mga kamag-anak sa Tanauan, Leyte. Ito ang una naming pagbisita sa Leyte. Ngunit bago kami tuluyang makarating sa aming pupuntahan, kinakailangan muna naming magbarko upang tuluyang makatawid sa Visayas.

Ito ang unang beaes na sumakay ako sa barko, kaya naman agad kaming kumuha ng litrato. Nasa Bicol kami noong kami ay sumakay ng barko kaya naman kitang-kita ko din ang Bulkang Mayon. Ako ay namangha sa ganda nito pati na rin sa ganda ng dagat at mga tanawin. Dalawang oras kaming nakasakay sa barko at sa dalawang oras na iyon, nakita ko kung gaanong kaganda ang dagat. Kitang-kita ang mga isdang naglalanguyan sa dagat pati na rin ang mga "coral reefs". Bukod doon, nakita rin namin ang mga bundok na akala mo ay inilarawan lamang sa sobrang ganda. Kahit na ako ay natatakot sumakay sa barko, ang lahat ng takoy ay napalitan jg saya at pagkamangha. Nakakagalak na makita ang dagat na kulay asul at sasabayan pa nang magandang simoy ng hangin.

At dahil dito, napagtanto ko kung gaanong kaganda ang ating bansa lalo na kapag ito ay naiingatan. At kung ang mga dagat o ang kalikasan natin ay malinis at hindi nasisira, siguro mas magiging maganda ang ating bansa. Dapat ang ating bansa ay ating inaalagaan at iwasang sirain ang ating kalikasan.

OP #3 (PICTORIAL ESSAY)

"Tres Marias"

Hindi man natupad ang kahilingan ng aking nakakatandang kapatid na magkaroon kami ng kapatid na lalaki, hindi ito naging hadlang para maging malungkot at malayo ang loob namin sa aming bunsong kapatid. Kahit na pareho kaminh babae ng ate ko, kaya naming maging "cool" na ate sa bunso naming kapatid. Masayang mamuhay kung ang mga kapatid mo mismo ang magiging bestfriend mo habang-buhay.

OP #4 (Application Letter)

                                               53 Daang Amaya 1
                                               Tanza, Cavite
                                          Ika-19 ng Hulyo 2022

G. Romando Alcantara
Manager
BDO
Rosario, Cavite

Mahal na Ginoong Alcantara:

    Pagbati !
    Ako po si Sheela Mae P. Legaspi na nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy sa Cavite State University taong 2022. Nais ko po sanag mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang Accountant o anumang posisyong nauukoy sa aking kurso.
    Ang pagiging 4th Honorable Mention at pagiging working student ay aking maipagmamalaki upang patunayan na kaya kong hatiin ang aking oras sa trabaho at sa pansariling buhay. Kayo rin po ay nakasisiguro na ako ay may tiyaga sa mga bagay upang matupad ang aking pangarap sa buhay.
    Ako po ay kasalukuyang nakapisan sa akinh mga magulang na nakatira sa Daang Amaya 1 Tanza, Cavite.
    Maraming salamat po sa inyong pagtugon.

                                        Lubos na sumasainyo,
                           BB. SHEELA MAE P. LEGASPI

OP #5 (RESUMÉ)

PANSARILING-TALA (RESUMÉ
)

Sheela Mae P. Legaspi
53 Daang Amaya 1
Tanza, Cavite
Email: legaspi.sheela@gmail.com

EDUKASYON
Institusyon Tinapos Petsa
Cavite State BS Acoountancy Hunyo
University 2022
Saint Augustine Sekundarya Abril
School 2018
Felipe Calderon Elementarya Marso
Elementary 2012
School

PROPESYONALISMONG KARANASAN
Institusyon Posisyon Petsa
Jollibee Brgy. Cashier and 2019-2021
Poblacion Crew
Indang
McDonalds Cashier and 2017-2018
Tanza, Cavite Crew

MGA KARANASANG NATAMO
• 4th Honorable Mention
• Bronze Awardee, 2018
MGA DINALUHANG PALIHAN
Pamagat Organisasyon Taon
Easy Saving Philippine Savings 2021
Seminar Bank
Lecture sa Island Cove 2019
Basic Hotel
Operation
Seminar PH Business 2016
Workshop Education

SANGGUNIAN
Mr. John Erick Tobias
Guro
Saint Augustine School Tanza, Cavite
09057864321

Mr. Carlo T. Concepcion
Guro
St. Jude Parish School
Trece Martirez
09551357901

Justin Velasquez
Manager
BDO Tanza
09193654321

OP #6

                                          53 Daang Amaya 1
                                          Tanza, Cavite
                                          Setyembre 20, 2022

G. ROMANDO ALCANTARA
Manager
BDO
Rosario, Cavite

Mahal na G. Alvarez:
    Pagbati !
    Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ninyo sa akin bilang Accountant sa inyong mabuting tanggapan. Makaaasa po kayo na gagawin ko ang aking makakaya upang maging maayos ang aking trabaho at patunayan sa inyo na hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin sa inyong kompanya.
   Muli, Maraming Salamat po !

                                      Lubos na sumasainyo,
                                SHEELA MAE P. LEGASPI

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...