Lunes, Enero 22, 2018

OP#3 iWitness: Teacher Annie ( kronolohikal )

     Edukasyon ang makapagtatawid sa kahirapan at  susi para sa magandang kinabukasan. Karamihan ng mga estudyante ay ninanais na makapagtapos at makatanggap ng diploma sa pag-aaral, ngunit maraming kabataan ang di kayang makatapos dahil sa kakulangang pangpinansiyal. May mga tao paring gustong tumulong SA mga kapus palad, ngunit ang karamihan ay tila mas inaasam ang magandang buhay o magtrabaho ng walang pagsasakripisyo. Si Teacher Annie na mas piniling magturo sa malayong lugar at sa mga batang kapus palad.
     Itinampok ang istorya ni Teacher Annie sa iWitness. Si Teacher Annie na mas pinilit ipagpatuloy ang pagtuturo sa Sitio, Labo na kung saan ang lugar na ito ay malayo sa kabihasnan at kahirapan puntahan. Labing anim na ilog ang kailangang tawirin, lubak lubak na Daan at mga burial na madadaanan bago pa nakarating sa Sitio, Labo. May mangialan - ngilan din silang estudyanteng nakasabay sa ilog na papunta rin sa eskwelahan.
     Nang makarating na sila sa eskwelahan ng sitio, labo o Ang Labo Elementary School ay agad na sumalubong Ang mga batang may inosenteng ngiti sa kaninang mga labi na nakapawi ng pagod ni Teacher Annie. Inamin ni Teacher Annie na noong una ay nakaramdam Siya ng pandidiri sa mga mangyan niyang estudyante at pag - aalangan sa pagtuturo niya rito dahil sa layo ng bayan ngunit ito raw ay kusa niyang tinatanggap sila ng buong puso. Dito Niya nakita Ang tunay na pagbibigayan ng isat' isa sa Kabila ng kakulangan sa pagkain.
     Si Teacher Annie at si Teacher Cristel Lamang Ang Guro sa Labo Elementary School hati sila sa pagtuturo . Si Teacher Annie na nagtuturo ng kinder hanggang baitang tatlo at si Teacher Cristel na nagtuturo ng baitang apat hanggang baitang anim. Sila na rin Ang nagluluto ng makakain kasama si Dina Ang dalawampung taong gulang na estudyante ni teacher Annie sa kinder. Si Dina ay tatlong araw Lamang pumapasok sa isang linggo dahil Siya ay nagtratrabaho sa sagingan upang makabili ng pang araw-araw na makakain at pangbili ng gamot ng kanyang ina na may sakit na pulmonya. Binibigay din Niya ng kanyang mga Guro ng bigas, sardines, at gamot kapalit ng kanyang pagtulong sa kanila sa pagluluto o Pag aayos sa paaralan. Hanggang ₱144.00 Ang nakukuha Niya sa araw-araw na yon sa pagbantaan ng saving at dalawang gamot na antibiotic Lamang Ang kanyang nabili.
     Ilan Lamang si Dina sa mga tinutulungan nila Teacher Annie at Teacher Cristel na nakatira sa Sitio Labo at pwede na Silang makapagturo sa kapatagan ngunit mas pinili nilang magturo at tumulong sa Labo Elementary School  sa Kabila ng layo at hirap ng paglalakbay makarating sa Sitio labo. Sa kadahilanang gusto nilang tumulong ng kiss sa gusto nilang maging inspirasyon sila ng mga batang gustong makapagtapos ng pag-aaral.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...