Lunes, Enero 22, 2018

OP#4 Kasaysayan ng Paaralang San Agustin


     Ang paaralan ng San Agustin ay ipinangalan sa patron ng ng bayan ng Tanza, Cavite na si San Agustin o mas kilala sa tawag na "Tata Usteng".
     Ang paaralan ng San Agustin ay na diskubre ni Monsignor Fransisco V. Domingo na isang Pari. Itinayo Ang paaralan noong pebrero 14, 1969. Ang paaralan ng San Agustin upang magbigay ng magandang kalidad sa pag-aaral at pagiging makadiyos na sistema.
    Pormal itong nagbukas noong Hunyo 1969. Nag Alok ng pagtuturo Simula sa kinder hanggang Baitang isa. Ang sistema ng edukasyon ng San Agustin ay sumasailalim sa pamamahayag ng De La Salle. Nagsimula lamang ito sa bilang ng 48 na estudyante at 1 Guro. Nagtayo ng Gusali ng mataas na paaralan noong 1971 at natapos noong 1972 at sinundan ng basketball court.
     Ang unang naging Punong Guro  ng Paaralan ng San Agustin ay si Sr. Angeles Gabutina na naglingkod ng dalawang buwan at sinundan pa ng mga bagong Punong Guro. Ang pinakabagong Punong Guro ay si Ms. Mercedita Pacumio.
     Ang kasalukuyang Logo ng Paaralan ng San Agustin ay ginawa at dinisenyo ni Morgin Molina na dating estudyante ni Mr. Justo R. Cabuhat noong 1988.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...