Sabado, Marso 10, 2018

Jiemerry Domingo


Output no. 1 (Replektibong Sanaysay)

Paksa: Katatapos pa lamang na Midterm Exam

“Para sa Pasadong Grado”

Sulat ditto, sulat doon, aral ditto, aral doon at magpuyat kasabay ng pag-inom ng mainit na kape. Iyana ng senaryo na madalas na hinaharap ng karamihan sa mga mag-aaral tuwing may mga sasapit na pagsusulit lalo na kung Midterm o Finals Exam. Pero hindi ako.

Nitong nakaraang Midterm Exam na ginanap noong Enero 17-19, hindi naging madali at hindi rin naman naging mahirap para sa akin gang mhga pagsusulit. Oo hindi ako pursigido at ganado masyadong mag-aral ngunit nag-aaral naman ako. Iyun nga lang, pinag-aaralan ko lamang ang asignaturang ite’test namin sa mismong araw na ding iyon. Kaya naman aminado ako na nakakalimutan ko ang ilan dito at kundi naman ay na ba’ blangko ang aking  isipan.

Sa karanasan kong ito, nagkaroon ako ng reyalisasyon na dapat ay pinagtutuunan ko ng labis na atensyon ang bawat pagsusulit lalo na ang pagsusulit na ito dahil ito ang magsisilbing daan upang makakuha ako ng pasadong grado. Base rin sa karanasang iyon, nais kong mag-iwan ng kakintalan sa bawat isa, sa kapwa ko mag-aaral na hindi biro ang edukasyon at dapat ito ay sineseryoso at gawing inspirasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...