Martes, Marso 13, 2018

Op#6 (spoken poetry)



Kaibigan….
Ang tawag sa mga taong laging nandyan para sayo
Kaibigan….
Ang tawag sa mga taong umiintindi at dinadamayan ka sa mga problemang dumating at darating
Mga magpapangiti at mapapatawa, sa mga oras na kailangan mo ng kasama

Kaibigan ko sana wag kayong magbago,
Dahil isa kayo na hindi pwedeng mabili ng kayamanang handog ng mapanlinlang na mundong ito.

May mga kaibigan na pansamantala lang at mayroong pangmatagalan
Isang pansamanatala na kasama sa isang nakaraan na ang sarap balikan pero hindi na pwedeng ulitin pa
Isang pang matagalan na handing magsabi ng “hindi kita iiwan” haharapin ang mga problema ng magkakasama

Dahil hindi sapat ng dahilan ang “mas kilala kita kaya ikaw ang kaibigan ko” dahil ang totoo ang tunay na mag kaibigan magbago man ang taon, magbago man ang itsura ay kaibigan parin ang maututuring.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

OP#5

Ang class picture noong Grade 12-1st sem. Ang formal pose na nasundan pa ng maraming kuha. Ang pagsasama-sama ng mga dating section St. John...